Chapter 3 Crush

10 1 0
                                    

Ala-una pa lang ng hapon at hindi ko alam kung bakit ako nae-excite na mag alas-singko na ng hapon.

Okay admit it lily, hinihintay mo yung lalaki na nagjojogging kada hapon. Malandi na ba ako? Ano ba kasing nangyayari sakin? Nababaliw na ata ako.

Para malibang ay naglinis na lang ulit ako ng bahay. Inuna ko muna sa loob at pagkatapos ay sa labas naman. Nagwalis ako at nag-ayos sa garden ni tita.

Mahilig si tita sa mga halaman kaya naman punong puno ng mga ibat ibang bulaklak ang bahay nila. Bigla ko namang naalala si mama, mahilig din siya sa mga halaman na halos mapuno ng mga halaman ang bahay namin noon kahit nga ang pangalan namin ni ante ay pangalan ng bulaklak, Lily and Rose. I love it though.

May puno rin ng balete dito na siyang nagpapahirap sakin araw araw. Lagi kasing may nahuhulog na mga dahon mula dito.

Ayoko ng mga puno ng balete dahil pinapaalala nito sakin kung paanong nasira ang masayang  buhay ko.

Noong bata pa ako ay buo pa ang pamilya namin. Masaya at punong puno ng pagmamahal. Halos wala na akong hilingin noon dahil para sakin ay ang perfect na ng pamilya namin. Meron si papa si mama at si ate. Madalas kaming mamasyal noon sa kung saan saan. Gustong gusto namin ang nagtatravel. Wala na akong mahihiling pa. Sobrang saya ko.

Isang araw noon, abala kami ni ate na naglalaro sa bakuran namin, habang si mama naman ay nag aayos si ng mga halaman niya ng biglang may dumating na lalaki na may hawak na chainsaw. "Hello madam, alin po dito ang ipapaputol niyo?" Tanong ng lalaki. "Aah ikaw ba yung tinawagan ng asawa ko? Ito ngang balete pakiputol na. Masyado na kasing lumalaki, hindi na magandang tignan" Sagot naman  ni mama. Nagulat naman yung lalaki at pati ako ay nagulat din. Madami kaming alaala sa balete na yun kaya nagulat ako ng ipapaputol naman na ni mama.

"Sigurado ba kayo madam? Hindi maganda na pinuputol ang mga balete. Mas maganda kung ipahukay niyo na lang at ilipat sa ibang lugar" Sabi ng lalaki. "Putulin mo na lang, wala na rin namang pwedeng paglipatan" Sagot naman ni mama. "Sige po, kayo ang bahala." Sabi ng lalaki at sinimulan ng ayusin ang gamit niya.

Nasa loob kami ng bahay ni ate dahil pinapasok kami ni mama at maingay daw yung gagawin nung lalaki.

Nakatanaw ako sa bintana at tinitignan ang balete na pinuputol ni kuya. Rinig pa rin dito sa loob yung ingay pero hindi naman masyadong malakas.

Habang unti-unting napuputol ang balete ay naalala ko yung mga masasayang alaala namin kasama ang balete na iyon. Noong hindi pa ito masyadong malaki noon ay lagi namin itong
tinitriman at inaayos. Madalas din akong maglaro sa ilalim nito dahil hindi mainit doon.

Maganda ang hugis nito noon kaya naman tuwing Christmas ay sinasabitan namin ito ng mga palamuti  kagaya ng mga christmas light, Christmas balls, candy, at medyas na may mga designs. Agaw pansin ito noon na halos lahat ng dumadaan ay napapatingin dito. Nalulungkot ako noon hanbang nakikitang pinuputol na ito.

At simula noong pinutol ang balete ay nagulo na ang masaya naming buhay.  Hindi na masyadong umuuwi si papa. Hindi na sila naglalambingan ni mama o magpansinan man lang.

Hanggang sa tuluyan ng hindi umuwi si papa. Nagpapadala pa rin naman siya ng pera pero hindi iyon sapat, hindi na tulad ng dati ang binibigay niyang pera.

Pagtungtong ng grade 6 ni ate at ako naman ay grade 5 nagdesisyon  si mama na mag-abroad dahil kukulangin daw ang pera namin kung hindi siya magtatrabaho lalo nat maghaigh school na si ate.

Masakit sa loob namin pero anong magagawa namin kung tama naman si mama.

Kinulang ang pera ni mama noon kaya napilitan siyang ibenta ang bahay namin. Hindi kalakihan ang bahay namin pero maganda ito, ngunit naibenta ito ni mama sa murang halaga.

Walang choice noon si mama dahil sila lang ang buyer ng bahay namin at wala na ring oras para maghintay pa ng iba dahil kailangan niya na ang pera.

Nang malaman ito ni papa ay naiyak na lang siya sa galit at lungkot. Pati kami ni ate nalungkot dahil ang dami naming mga masasayang ala ala doon.

Ng makaalis na si mama ay kina lolo at lola na kami tumira. Noong una ay ayos pa ang lahat pero habang tumatagal ay nahihirapan na kami dahil sa dami ng gawaing bahay.

Hindi kami pinagtatrabaho noon ni mama kaya nahirapan kami ni ate ngunit kalaunan ay nasanay na ang katawan namin ni ate  sa pagtatrabaho.

Grade 7 ako ng malaman ko ang dahilan ng pag alis ni papa noon. May pamilya pala ito sa Quezon at ang masakit ay kami pala ang second family. Nagtampo daw ang mga anak niya doon kaya wala siyang choice kundi ang pumunta sa unang pamilya niya. Nabawasan ang ipinapadala niya dahil binibigyan niya din ang mga anak niyo doon.

Doon na ako nagsimulang magtanim ng sama ng loob kay papa. Hindi ko maiwasang magalit sa kanya dahil bakit pa siya naghanap ng ibang babae kung may pamilya na siya. Edi sana ay walang nasasaktan at nahihirapan. Hindi sana naghihirap ngayon si mama.

Grade 9 ako ng kausapin ako ni mama through video call na doon na daw ako tumira kina tita dahil kay tita naman daw siya nagpapadala ng pera at eksakto pang umalis na yung katulong ni tita sa paglilinis.

Hindi na ako tumanggi dahil ayokong bigyan ng sakit ng ulo si mama. Si ate naman ay si papa ang sumosoporta sa pagaaral niya. Nagkahiwalay kami ni ate pero ayos lang dahil bumibisita naman ako doon kada weekends at nagtatawagan din kami minsan.

Pakiramdam ko ay ang balete na yun ang sumisimbulo ng pamilya namin. Kaya ng putulin ito ay nasira  na rin ang pamilya namin.

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko na naman ang nakaraan ko. Isang masaya at malungkot na nakaraan.

Pagkatapos kong maglinis ay napaupo ako sa bermuda grass dahil sa pagod. Kinuha ko ang cellphone ko  sa bulsa ko para tignan ang oras, 5pm na. Ang bilis talaga ng oras.

Bigla akong napatayo ng may maalala ako. Yung lalaki na nagjojogging tuwing hapon.

Patakbo akong pumunta sa gate at ganoon na lang ano gulat ko ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng gate sa kabilang daan at parang may hinihintay.

Nagulat din yata siya dahil bahagyang lumaki ang kanyang magagandang mga mata. Nagtititigan lang kami hanggang sa may dumaan na puting van.

Bigla akong natauhan at nahiya. Napatalikod ako at napahawak sa aking mg pisngi. Mas lalo pa akong nahiya ng maalala ko na katatapos ko lang maglinis, siguradong ang haggard ng muka ko. Napatingin ako sa suot ko, spaghetti strap sando at maong shorts.

Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa kahihiyan.

"Hey!" Rinig kong sigaw niya ng bigla akong kumaripas ng takbo papasok. Dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto at saka siya sinilip mula sa bintana. Nakita ko siyang nagsimula ng magjogging palayo.

Pinakiramdaman ko ang aking dibdib at sobrang bilis nito. Hindi ko pa siya kilala pero feeling ko... Crush ko na siya

At makita ko lang siya ay kompleto na ang araw ko.

-------------------------

Thanks for reading❤

His PromisesWhere stories live. Discover now