Mahal salamat,
Salamat sa mga alalang hindi sapat
Sana makita mo yung taong para sayo
Yung taong alam kong hindi magiging ako.Gusto ko sanang isigaw sa mga bituin
Na wag kang lumayo saakin
Ngunit alam kong di ko na maibabalik ang dati mong pagtingin
Pagtingin mo saakin na tinabunan lang ng kalangitang madilimIpagdarasal ko na sana matagpuan mo na sya
Yung 'syang' mamahalin mong talaga
Yung 'syang' aalagaan kang totoo
Yung 'syang' hindi ako.Nais kong ipaalam sayo na mahal na mahal kita
Pero tama na,
Di ko na mahanap yung saya pag tayo'y magkasama
Yung tayo ang magkasama pero yung puso at utak mo nasa kanyaMahal kita
Mahal na mahal kita
Pero nasasaktan at nahihirapan na ako sinta
Kaya kahit masakit
Pipilitin kong bumangon ulitMasakit man
Ngunit, paalam-----------------