Salamat

8 1 0
                                    

Salamat sa lahat ng nagawa mo para saakin
Salamat sa mga binuo mong pangarap para saatin
Salamat sa oras na nilaan mo para sakin
Salamat sa lahat, sa lahat ng memorya natin.

Labis kitang pinasasalamatan
Kahit di ko nadama ang pagmamahal mo kailan man
Salamat sa lahat ng naituro mo
Hinding ko makakalimutan yun lalo na ang isang tulad mo.

Salamat sa kaunting oras na naging masaya tayo
Masaya tayo kahit walang 'ikaw at ako'
Hindi ko na hihilingin ang atensyon mo
Lalo na at anjan na ang taong nag papasaya sayo.

Ngunit sana di mo ako malimutan
Tila kasi di mo na ako kilala, kaibigan.
Ngunit nanjan na ang iyong ka-ibigan
ako naman ang iyong na nalimutan.

Ngunit hayaan mong makabawi ako sayo
Sa mga simpleng paraan na alam ko.
Pag may problema ka pwede ka saaking tumakbo
Hinding hindi kita ipagkakanulo sa gulo ng puso ko.

Salamat kaibigan
Sana ikaw ay maliwanagan
Na andito ako,
Ako na iyong nalimutan.

-----------

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon