Mahal pakiusap pakawalan mo na ako
Nasasaktan na ako sa pinapadama mo
Tila ako ay isang preso
Na nakakulong sa gulo ng puso moDi ko maintindihan
Kung bakit ayaw mo pa akong pakawalan
Saating dalawa ako lang naman ang nahihirapan
Tama na, wala na akong makapitanSinabi mo saaking tama na ang lokohan
Sinabi mo saaking di mo ko minahal kailan man
Ngunit bakit ayaw mo kong pakawalan
Na tila isa akong pulseras na iyong iniingatan?Di ko na alam ang dapat na maging reaksyon ko
Dapat nakakaramdam na ako ng galak at saya
Ngunit binabalot ang sistema ko ng 'Gulo'
Gulong gulo ako sa nangyayari saating dalawaHindi na tayo laging nagkakasama
Lagi nalang merong distansya
Napapagod na ako sa ayos nating dalawa
Pakawalan mo na ako, tama na.----------