Bawat layag ng barko sa malapistong hampas ng alon,
Matutunghayan ang dalawang taong nagkukulitan.
Isang masayang ngiti sa labi ay mapagmamasdan.
Pinag uusapan ang realidad ng mahal nilang bayan.Mula sa kanilang bayang tinubuan.
Mga upos na kandilang nag lalakad sa ilalim ng initan,
Mga hingal na yapos ay iyong matitikman,
Ito ay sa bayang tinubuan.Isang bulaklak na uti unting nahuhulog sa likod ng matamis na muntawi
Matandang kalong kalong ang bilog na mundo ang syang nag pamalas ng kagalingan.
Paunti unting nahuhulog at nauubos ang dahon sa munting bayang sinilangan.Kadena sa binti, kadenang nag kandili sa bayang kong hapdi
Mga taong di ko mawari kung susuko na o hindi.
Kapit patalim, putol ulong humihikbi.
Yaan ay matutunghayan sa bayang pinagtagpi tagpi.Sa kabilang banda isang kastilyo ang nakaturok sa tuktok.
Mga kutsarang di nahuhulog sa lamesa,
Mga basong babasagin
Pero sa mga dukha naman umaasa.Piso pisong binuo
Ng taong kalahating pigi ang nakausli
Sa liwanag na tila bawal pati pagpipighati.
Ganito sa bayang tinubuan.Kastilyong gawa sa gitno
Mga brasong magiginoo,
Mga gumamelang alagang alaga
Ng mga damong pigang piga.Dekadeka dang panahon ang lumipas
Mga taong tila napag lipasan ng moral sa bayang tinubuan
Bayang sinilangan
Bayang sinukuan ng mga gintong nakakaparalisa.
Tinalikuran ang dating karikitan.Ito ang realidad ng bayang inyong kinagagalawan.
----
Itong taludtud na ito hindi ko dapat i popost
Sapagkat ito ay pang saakin lamang.
Ngunit tila wala akong pag gagamitan
Ito nalang akin dito nilaan.