Kamusta? Natutuwa ako pag nakikita kitang masaya
Kahit hindi mo ako kilala
Proud ako sa sarili ko kasi nakakasilay ako sayo tuwing umaga
Umaga palang buo na ang araw ko, o diba ang saya?Gusto kong mapansin mo 'ko
Kung ano ano ng kahihiyan ginawa ko para manotice mo
Pero tila wala lang ako sayo.
Di mo nga pala ako kilala, kaya ano pang aasahan ko?Nagustuhan kita nung minsang nagdaan ka sa harap ko
Pero lingid sa utak ko na may gusto ka pala sa kaibigan ko
Lagi ko pa syang tinutulak sa harap mo
Shi-ni-ship ko panga kayoMakikita kitang laging nakangiti pag kasama ko sya
Nag bibigay ka pa nga ng sulat sa kanya
Syempre ako tong aasarin sya kahit nasasaktan na
Pero kahit anong ship ko sa inyo di mo padin ako makilalaNag papaka martyr ako para mapansin mo
Nag mumuka na nga akong desperado
Parang ang dating kinakalaban ko pati kaibigan ko
Kaya gulong gulo ako.Pero aking napagtanto na tama na pala
Wala din naman akong magagawa kung sya talaga
Ni hindi mo nga ako kilala, mahalin pa kaya?
Tama na pagpapaka tanga.Ngayon unti unti ko ng natatanggap na hindi mo na ako
makikilala
Unti unti ko na ding natatanggap na sya talaga
Wala naman akong laban sakanya
At saka kaibigan ko sya, mahal kita pero mahal ko din sya.Bakit kailang pang pumili diba?
Eh ikaw na mismo ang nagbigay ng cue saakin para tumigil na
Saka masaya na ako na masaya ka.
Siguro sasarilihin ko nalang ang aking nadarama.Pero gusto ko munang magpakilala
"Hi! Ako nga pala si tanga"-----