Chapter 8: "Rest Day"

49 11 6
                                    

"Tol, gawin na muna nating restday ang araw na to. Pahinga muna tayo" sabi ni Jake sa kabilang linya.

"sige, mabuti pa nga. Nakakapagod din ang mga nangyare nitong mga nakaraang araw" pagsangayon ko naman sa sinabi ni Jake.

Haist, buti nalang at naisip ni Jake na magpahinga muna ngayong araw. Wala pa naman sa.isip ko ang magpahinga. Gusto kong maibalik na agad si mama sa dati, sa lalung madaling panahon.

Griiiiing!! Griiiiing!

Biglang tumunog ang phone ko, kaya sinagot ko ahad ito.

"hello? Sino po sila?"

"Hi storm! Si Mary to, tumawag sa akin si Jake. Sabi nya restday daw muna tayo ngayon." sabi ni Mary sa kabilang linya.

"sabi nga din saken ni Jake"

"ok, kitakits nalang tayo sa isang araw" sabi Mary na aktong ibaba na ang telepono.

"sandali lang Mary. If ever na wala kang ibang gagawin, ok lang ba kung lumabas tayo mamaya?" nahihiya kong tanong kay Mary.

"oo, sige..."

"ganito, puntahan nalang kita sa inyo mamaya. Around five o'clock, see yah!" sabi ko kay Mary na parang kinakabahan sa mga gagawin ko mamaya.

"Haist, anu ba tong napasukan ko, hindi ko dapat yun sasabihin kay Mary. Nakakahiya tuloy, ni hindi ko nga alam kung saan ko sya dadalhin mamaya eh" sabi ko sa sarili ko habang iniisip kung saan at kung pano oo haharapin si Mary mamaya.

Anu naman kayang sasabihin ko sa kanya. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong gawain. Ngayon lang ako naglakas loob na magyaya ng isang babae para lumabas. Haist, hindi ko alam ang gagawin ko!!

Pumunta ako sa kwarto ko. Ganun pa din, makikita ko si mama na nakahiga at walang malay sa kama ko. Iba naman ang dahilan ko sa pagkakataong ito. Dumiretso agad ako sa closet ko at naghanap ng maayos na damit para sa lakad namin ni Mary mamaya. Wala akong maisip na damit para sa mga ganitong mga lakad. Magdisisyon na lamang akong tawagan si Jake para magtanong.

Griiiing! Griiiing!

"oh tol, napatawag ka?" gulat na tanong ni Jake.

"ganito kasi, niyaya ko si Mary na lumabas. Pwede mo ba akong tulungan kung ano ang isusuot ko?"

"oo naman, ganito ha. Maghanap ka ng polo-shirt kahit anong kulay. Tapos semifit na jeans and then trasher or any kind of flatshoes na meron ka. Papasa na yan" sabi ni Jake sa akin na parang natatawa sa kabilang linya.

"salamat til, maasahan ko tapaga" pagpapasalamat ko kay Jake.

Gaya ng sinabi ni Jake. Nagsuot ako ng kulay red na polo shirt, black jeans and then yung top sider ko. Pumunta ako sa harap ng salamin para tingnan ang sarili ko. Tapos nagspray ng konting pabango. Handa na ang lahat, nagtungo na ako kanila Mary para sunduin sya.

On my way patungo kanila Mary. May dumaang isang sasakyan na puno ng mga bulaklak. May nalaglag na isang pirasong pulang rosas sa daan kaya dali dali ko itong dinampot.

"may rose na ako para kay Mary. Mukang nakikiayon ang lahat sa akin" sabi ko sa sarili ko habang tuwang tuwa sa aking nalimot.

Malapit na ako sa bahay nila Mary. Natatanaw ko na sya habang nakatayong naghihintay sa akin sa harap ng bahay nila. Nakasuot sya ng puting dress, habang nakaponytail naman ang buhok nya na bagay na bagay sa kanya. Napakaganda talaga ni Mary, lalu na kapag nakaayos sya.

"kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya habang ibinibigay ang rosas.

"salamat, kakalabas ko lang din naman ng bahay" sagot naman ni Mary.

"mabuti kung ganon" sabi ko habang nakangiti.

Pinili na lamang naming maglakad. Hindi naman kasi kalayuan ang lugar kung saan kami pupunta.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lalu na at ganito kagandang dilag ang nasa tabi ko.

Nakaupo kami sa bench na matatagpuan sa isang parke. Pinapanuod namin ang mga batang naglalaro at mga magkasintahan na naglalambingan sa harap namin. Nakakahoya mang sabihin pero nakakaingit talaga sila.

"ano nga palang plano natin para sa...." pagputol ni Mary sa sinasabi ko.

"pwede ba? Kalimutan na muna natin ang mga bagay na yan. Sa ngayon gawin muna natin ang ginagawa ng mga normal na tao" pagpapaliwanag ni Mary sa mga gusto nyang mangyari.

"sige, pasensya ka na saken"

"ok lang" sagot ni Mary.

Magkasama pa rin kami ni Mary. Habang masayang naguusap sa ilalim ng buwan at mga bituin. Biglag nawalan ng koryente na naging dahilan ng mas pagtingkad ng liwanag ng mga bituin sa kalawakan.

"ang ganda ng mga bituin" sabi ni Mary habang nakatingin sa bandang itaas. "napakaganda nga nila, parang ikaw" pambobola ko naman kay Mary.

Patuloy pa rin kaming nagkwekwentuhan at nagbibiruan.

"Mary, nasan...."

Griiiing! Griiiing!

Nagring bigla ang phone ko kaya dali dali ko agad itong sinagot.

"Storm. Nasan kayo ngayon?" pabulong na tanong sa akin Jake.

"NANDITO SILA"

*****

Thank you guys fo reading this chapter.

Medyo busy kaya natagalan sa pag update. Pero pipilitin ko pa ding magupdate ng mas mabilis. Thank you so much! :)

Please! Keep reading the "Slice of Life" thank you so much! :D

Slice of life (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon