"hey baby" sabi saken ni mama. "are you alright?" tanung nya saken habang nagaalala. "please say something!" pilit nya akong pinagsasalita. Nagdisisyon nalang akong umakyat at magkulong sa kwarto pagkatapos kong malaman ang mga sikretong itinatago ng pamilya namin. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalaman ko lalu na ang tungkol sa pinagmulan ng lahi namin. Ayaw kong maniwala pero nakita ko ang lahat, nakita ko ang mga dapat hindi nakikita ng normal na tao. Isang katunayan na isa ako sa mga tagapagmana ng kakayahan na binangit ni mama.
"Isa akong Night Hunter" yan ang unang mga kataga na binangit ni mama saken. Siguro eto na ang katotohanang hinahanap ko sa likod ng maikling nakaraan na nalalaman ko tungkol sa pamilya namin. "Night hunters, yan ang tawag samen ng mga kalaban natin na pilit pinupuksa ang mga tulad natin. Sila ay ang mga kampon ni Satanas na ipinadala dito sa mundong ibabaw upang ubusin at puksain ang lahat nang pwedeng pumigil sa maitim nilang plano. Ang papa mo, isa din syang Night Hunter pero mas pinili nyang mamalagi sa mundong ilalim kung saan mas mapoprotekhan nya tayo kaya mas minabuti namin na ilihim sayo ang lahat para mapalayo at hindi ka magtanong tungkol sa mga bagay na tulad nito. Hindi ko akalain na nakikita mo na sila sa edad mong yan, kaya nagwalang bahala nalang ako na magiging normal ang lahat. Mas nagiging agresibo ang mga maligno kapag naamoy nila ang amoy nating mga Night Hunters, kaya pinilit ka nilang patayin sa pagkakataong yon. Hindi naman nila inaasahan na nakikita mo sila. Tumakbo ka palayo kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na paslangin ang nilalang na yon. Ang medalyon na gamit ko ay sagradong anting-anting na galing pa sa papa mo, ginagamit ito para bendisyunan ang katawan ng kahit anung nilalang na galing sa kabilang mundo para hindi na ito muling mabuhay. At yung una mong nakita nung isang gabi na nagbukas ng lagusan patungo sa ilalim, sila ay mga tao na gumagamit ng mahika sa ngalan ni Satanas. Sila ang naging instrumento upang makapasok sa mundo natin ang mga nilalang na yon at pilit na humahalo sa mga tao para hindi sila mapansin. Pilit nilang kinukumpleto ang pagaalay nila sa kanilang panginoon upang mabuhay muli ito at maghari sa mundo. Napansin mo naman ang balita, at ang misteryosong pagpatay sa mga tao sa panahong ito. Dahil Dugo ng kagaya natin ang hinahanap nila, sariwang dugo ng mga Night Hunters at lahat ng mortal na may kaugnayan sa kabilang mundo. Gaya ng mga pinatay, lahat sila ay may kaalaman at konektado sa mundong ilalim. Sigurado ako na isang angkan ang hinahanap ng mga malignong yon para ialay sa panginoon nila. Buti nalang at hindi pa nila tayo natutunton.
Malalaman mo na ang isang tao ay maligno o demonyo kapag kumulo ang langis na ibinigay ko sayo. Palatandaan yan na malapit lang sila at naghahanap ng mabibiktima.
Si papa mo naman ay napaslang sa isang labanan, kontra sa mga kaaway natin sa kabilang mundo kaya nagdisisyon nalang ako na hindi sabiHin sayo ang lahat ng nalalaman ko tungkol kay Simon. Ayaw kong malungkot ka at maghiganti para sa kanya, baka lalu lang lumala ang sitwasyon. Baka hindi lang si papa mo ang mawala, hindi ko yata makakaya kapag pati ikaw ay mawawala sa akin. Kaya patawarin mo sana ako sa mga pagsisinungaling at pagtatago ko ng katotohanan sayo, sana maintindihan mo ako, para lang sa ikabubuti mo ang lahat ng ito." yan ang sabi ni mama saken ng makita ko sya sa kwarto nya.
Di pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko, sa kung ano ako at sa pinagmulan ko.
Nagkulong ako sa kwarto ko habang iniisip at pilit iniintindi ang katotohanan. Ang mga bagay na hindi kapanipaniwala ay nagmistulang pinaka mahalagang paksa sa buhay ko. "There would be just one option, and that would be is to embrace everything that my mom told me, because this is who I really was and not just a normal boy." sabi ko sa sarili ko habang sumasakit na ang ulo sa pagiisip sa lahat ng mga nangyayare.
"Ipaghihiganti ko ang papa ko, kasabay ang pagpuksa sa maitim na plano ni Satanas. Pipilitin kong maging pinaka mahusay na Night Hunter sa kasaysayan ng angkan namin. Para sa ikabubuti ng lahat: si mama, si Mary at ng mga kaibigan ko. Gagawin ko ang lahat ng ito para sa kanila, para sa ikabubuti ng mundongito." Nagdisisyon ako para sa lahat, kahit na alam kong walang kasiguraduhan ang lahat ng pwedeng manyare, magtatagumpay man ako o hindi ang importante ay sinubukan kong gawin ang alam kong tama at sa abot ng aking makakaya.
Mula ngayon sisimulan ko ng pag-aralan ang lahat ng tungkol sa kung ano talaga ako. Ang mga kakayahan na kami lang ang makakagawa. At kung anong uri ng mga nilalang ang pwede kong makalaban sa hinaharap.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama at nagdisisyong lumabas sa kwarto. Dumiretso ako sa baba para hanapin si mama. Kelangan ko ng magsimula ngayon dahil sa tingin ko ay madami pa akong dapat matutunan. "Ma!!" pasigaw kong tinawag si mama na lagi ko namang ginagawa kapag may kailangan ako. Nakakapagtaka dahil walang sumasagot. Inulit ko pa ng ilang beses ang pagtawag pero wala pa din. Hangang sa nagdisisyon na akong puntahan si mama sa kwarto nya. "Ma!" pasigaw kong pagtawag sa kanya habang kumakatok sa pintian ng kwarto nya. Mga limang minuto na akong katok ng katok pero wala pa ding sumasagot kaya nagdisisyon na akong buksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang sira-sira at magulong kwarto ni mama, na para bang may nagpumilit pumasok dito at may pilit na hinahanap. May narinig akong nagmamadaling umaakyat ng hagdaanan patungo dito sa kwarto kaya nagtago ako sa likod ng kabinet. "Ma! Ikaw pala yan, kanina ko pa kayong hinahanap" nagaalala kong sabi sa kanya. "anung nangyare dito?" gulat na gulat nyang tanong saken habang may hinahanap sa may ilalim ng kama nya. Laking gulat ko nang may hiNila syang isang lumang baul mula sa ilalim ng kama at binuksan ito. "ito ang medalyon na sinabi ko sayo, ito din ang hinahanap ng mga nilalang na nagpumilit pumasok dito sa kwarto ko. Kailangan nila ito para pakawalan ang demonyo na si ELLESIS. Si Ellesis ang demonyo na pinagtulungan naming ikulong sa medalying ito ng papa mo. Isa rin si Ellesis sa mga Heneral ni Satanas na namuno sa mga kampon nya ng mahabang panahon. Kaya natakot ako nang makita ko na galing sila dito. Kaya mula.ngayon magingat ka ha anak." sabi nya saken na parang takot na takot sa mga nangyari. Ngayon ko lang nakita si mama na takot na takot, bakas sa kanyang mga muka ang nakaraan nila ni papa. At ang pinaka ayaw nyang mangyare na baka mawala ako sa kanya.
Nakaupo ako sa isang maliit na upuan sa kwarto ni mama, habang inaayos nya ang mga nasirang bagay at nililinis ang mga kalat. Inilabas nya ang mga gamit gaya ng espada, mga pitions, isang libro at ang medalyon. Inilagay nya lahat ito sa lumang baul at ibinalik sa ilalim ng kama. Inaayos naman nya ang aparador at ibinabalik ang mga nalaglag na gamit nang biglang may lumitaw na itim na usok sa paanan nya at dahan dahan itong bumalot sa buong katawan ni mama.
*****
Thank you for reading my story! ^_^
Please leave some comments, and suggestions for me to work with.
Please read the next chapter. Tnx. ^_^
Please keep reading the "Slice of Life" thank you so much. :D
BINABASA MO ANG
Slice of life (Super Slow Update)
FantasíaUnexpected things are always there, waiting for someone to trigger it.