Tapos na ang kauna unahang misyon namin bilang mga Night Hunters. Pero alam namin na dito palang nagsisimula ang lahat. Nakuha na rin namin ang susi patungo sa kabilang mundo. Alam naming mas magiging mapanganib ang kakaharapin naming tatlo pero kailangan ko tong gawin para kay mama.
Tumila na ang ulan at bumuka ang mga ulap na naging dahilan ng paglabas ng napakaliwanag na bilog na buwan kasama ang hindi mabilang na mga bituin, kasabay ang pagihip ng malamig na hangin. Napaka payapa ng buong lugar, walang bakas ng mga naganap na labanan. Habang nakaupo kami at nagpapahinga sa mga malalaking bato na matatagpuan sa harap ng minahan.
"ok ka lang ba?" tanong ko kay Mary.
"oo naman, mabuti nalang at mga gasgas lang ang mga tinamo kong sugat"
"mabuti na nga lang"
"ikaw ba ok ka lang?"
Tanong saken ni Mary.
"oo naman, konting galos lang naman to, kaya ok lang ako"
Sasabihin ko na kaya? Pero baka wala ng ibang dumating na pagkakataon kapag hindi ko pa sinabi sa kanya.
"Mary, may sasabihin nga pala ako sayo"
"ano yon?"
"GUSTO KITA"
Napatingin sa akin si Jake habang nanlalaki ang mga mata ng marinig nya ang sinabi ko. Hindi siguro sya makapaniwala sa nalaman nya. Maging si Mary ay hindi makapaniwala sa mga narinig nya.
"ui, pasensya na. Ano.. Kasi... Hindi ko dapat yun sasabihin... Iba dapat ang sasabihin ko.."
"ahm, ok lang yon. Gusto....."
Naputol ang sasabihin ni Mary nang mapansin nyang wala na pala ang lalaking tumulong sa amin.
"nasan na yung lalaki?"
Tanung nya.
"ewan ko, kasunod lang naman natin sya paglabas ah" sagot ni Jake habang ginagamot ang mga tinamo nyang sugat sa labanan.
Hinanap namin sya sa paligid pero hindi namin sya nakita.
"sayang naman, hindi manlang tayo nakahingi ng pasasalamat sa kanya" sabi ko, ng parang walang nangyari.
"oo nga eh, anlaki pa naman ng naitulong nya sa atin" sabi naman ni Jake.
Pagkatapos ng kaunting oras na pamamahinga. Bumalik na kami sa ama ni Mary na syang magbubukas ng lagusan.
Magkasabay kaming naglalakad ni Mary habang si Jake naman ay nasa unahan namin na mukang nakikinig sa mga pinaguusapan namin ni Mary.
"anu nga pala yung sinabi mo kanina?" biglang tanong sa akin ni Mary.
"ah, wala yun. Kalimutan mo nalang"
"ah sige, mukang hindi naman importante"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ayaw ko namang matapos ang lahat ng ito ng hindi ko nasasabi kay Mary ang nararamdaman ko.
"Mary, ok lang ba kung magtanong ako?"
"sige sige, kahit ano, ok lang" pagsangayon nya sa akin.
"magugustuhan mo ba ang isang tulad ko?"
"anu ba namang klaseng tanong yan?" sabi ni Mary.
"gusto kita!" bigla kong sinabi habang nakatingin sa mga mata ni Mary.
"gusto din naman kita. Pero may mas importante pa tayong dapat unahin bago ang mga ganitong bagay" nakangiting sinabi sa akin ni Mary habang nakatingin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Slice of life (Super Slow Update)
FantasiaUnexpected things are always there, waiting for someone to trigger it.