Flashback...
"While we're here, dito ka na rin muna mag-aaral hanggang makabalik tayo ulit sa UAE, anak," wika ni Eliza, ang ina ni Jenna habang inaahon ang mga damit nila mula sa maleta. Tumango lang siya habang abala sa pagkain ng hamburger at tutok sa panunuod ng TV.
She was only eleven years old at walang pakialam kung magpalipat-lipat siya ng school. After all, she's been in four different schools sa UAE, so, nasanay na rin siya. Pansamantala silang umuwi ng kanyang ina dahil nagsara ang kumpanyang pinagtatrabahuhan nito at hindi kaagad nakahanap ng trabaho. Hindi naman kasi gaanong kalakihan ang sahod ng kanyang ama para itaguyod ang pagbabayad ng taunang renewal ng visa at insurance nilang mag-ina, idagdag pa ang matrikula niya na may kalakihan din ang halaga. Doon sila sa bahay ng magulang ng kanyang ina tumuloy dahil wala rin namang kasama ang mga abuelo at abuela niya sa bahay na iyon na may dalawang kuwarto. Tulad niya, nag-iisang anak lang din ang kanyang ina kaya't masayang-masaya ang mga ito na naroon silang mag-ina.
Sa una'y nahirapan siyang mag-adjust dahil karaniwang Tagalog ang ginagamit na lengguwahe sa pagtuturo ng mga guro sa elementary public school na pinag-transfer-an niya na malapit lang sa kanilang bahay, at ang ikalawa'y ilag sa kanya ang mga estudyante kaya't wala siyang naging kaibigan doon kahit isa.
Mas naging maayos ang pag-aaral niya pagtuntong niya ng high school. Kahit paano'y naging mas madali sa kanya ang adjustment pagdating ng first year high school kahit pa nga may kalayuan ang St. Louis High School Academy - Muntinlupa mula sa kanilang bahay sa Laguna. Medyo marami-rami na rin kasi siyang alam na Tagalog at palibhasa'y exclusive school ang St. Louis, English ang medium na gamit ng mga guro sa pagtuturo.
However, her happy days on her high school life turned sour when her classmates and other schoolmates started bullying her because of her appearance right after it was announced that she's the top one of the whole first year students.
"How's school?" tanong ng kanyang ina pag-uwi niya mula sa eskuwela isang linggo matapos ang announcement ng honor roll sa first grading.
"Okay lang po," tugon niya saka ibinaba ang gamit at dumiretso sa kusina para kumain.
Her mother was a good cook kaya naman halatang-halata sa katawan niya na hindi siya napapabayaan sa pagkain. At dahil matangkad din siya, mas lalo tuloy siyang naging malaking tingnan kumpara sa mga kasing edad niya.
"O, dahan-dahan lang sa pagkain, hindi ka mauubusan, anak," awat ng kanyang ina matapos niyang kumuha ng pangatlong tasa ng sopas.
Sumimangot lang siya saka iniayos ang makapal na salamin. Siyempre, wagi na naman siya. Hinayaan na lang siya nitong kumain.
Lingid sa kaalaman ng kanyang ina, ang pagkain ang naging outlet niya dahil sa stress at pambu-bully sa kanya sa school. While studying, she eats. While watching TV, she eats. While reading stories, she eats. Minsan lang magpahinga ang bibig niya sa pagnguya. Somehow, stress-eating relieves the pain she's feeling.
"Bakulaw!" tawag sa kanya ng classmate niyang si Shana saka binirahan ng nakakalokong tawa. Anak ito ng isang politiko at consistent top one sa St. Louis Junior Academy, ang elementary school na sakop ng St. Louis School System. Kaya malaki ang galit nito sa kanya dahil nadaig niya ito at naging top two na lamang ito.
Malalakas na tawa at panlalait ang narinig niyang bulungan sa paligid. Kulang na lang ay lumubog siya sa kinatatayuan niya. Mag-isa lang siya noon sa isang lamesa habang kumakain ng baon niya. Katulad ng dati, hindi niya ito pinatulan. Kahit mangiyak-ngiyak na siya'y mas ginanahan siya sa pagkain at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Wala siyang itinira kahit gabutil na kanin sa plato niya. Nakatungo siyang lumabas ng canteen at pikit-matang nilampasan ang grupo nito.