CHAPTER FOUR

2.9K 51 0
                                    

Liz was so ecstatic that she got the job but David was a bit doubtful. Marahil ay dahil sa mabilisang pagkuha at agad-agad na pag-uumpisa niya sa Bubblegum & Talents Company. Of course, David being an HR Director himself, knew very well how recruitment should take place. Nawala lang ang pagdududa nito nang ipakita niya rito ang pinirmahan niyang kontrata kasama ng job description niya at profile ng kumpanya pagdating nito sa bahay niya mula sa pag-i-interview nito sa isang hotel sa Makati.

The next day, they decided to eat outside for a brunch dahil parehong ala-una ang mga appointments nila. Inihatid siya ni David sa Segundo Corporate Building ng bandang alas-doce y media ng tanghali bago ito dumiretso sa hotel para sa recruitment interview nito.

Iginiya siya ng receptionist sa isa sa mga meeting rooms kung saan gaganapin ang orientation. Hindi naglaon ay may dumating na rin ang ilang bagong empleyado na napag-alaman niyang mga production crews. Unlike her, they were selected and hired last month at sa Lunes pa lamang magsisimula sa aktuwal na trabaho.

Hindi naglipat saglit ay dumating na si Jazmine kasama ang HR Secretary na si Stella at isa pang lalaki na pihadong nasa late 20’s or early 30’s ang edad at ipinakilala ni Jazmine bilang si Allan, ang Asst. HR Manager.

Isa-isa silang nagpakilala bago nagsimula ang orientation. Bago matapos ang araw na iyon ay nagkaroon sila ng tour sa buong 20th floor at ipinakilala sa mga department head and employees na naroon, maliban kay Art.

“Liz, could you come with me for a minute?” tawag sa kanya ni Jazmine matapos i-dismiss ang mga new staff.

“Yes, sure,” aniya saka sumunod dito.

Nilampasan nila ang HR Office saka dumiretso sa pinakadulong bahagi ng hallway.

“I’ll show you Art’s office pati na rin ang magiging opisina mo,” wika nito habang papalapit sa Executive Office. “So, this will be  your office,” anito patungkol sa walang lamang gamit na L-shaped table at palagay niya ay bagong swivel chair. “And this is Art’s office.” Iginiya naman siya ni Jazmine sa isa pang pintuan na ang itaas na  bahagi ng haligi ay salamin na natatakpan ng venetian blinds. Jazmine was a bit surprised nang buksan nito ang pintuan ng opisina ni Art at madatnang naroon pa ang kapatid. “Oh, you’re still here?” nagtatakang tanong ng babae.

“Yup,” kaswal na sagot nito saka nagliwanag ang mukha nang bumaling sa kanya. “Oh, hi, Liz!” bati nito sa kanya.

Ayon na naman ang dibdib niya, parang gustong kumawala sa rib cage niya! Hinamig niya ang sarili at gumanti ng ngiti rito, trying so hard not to be awkward.

“Come in, have a seat,” anyaya nito nang mag-atubili siyang sumunod kay Jazmine.

“Bakit nandito ka pa? Ang aga mong pumasok kanina, ah,” usisa ni Jazmine saka umupo sa sofa paharap sa lalaki. Siya naman ay nanatiling nakatayo.

“Have a seat, Liz,” anyaya naman ni Art saka umahon sa pagkakaupo at lumapit sa kapatid at iniabot ang dalawang pahna ng papel. “I have to finish my proposal for the upcoming conference,” anito saka siya nginitian nang makaupo na siya sa tabi ni Jazmine. “Tapos na ba ang orientation?” usisa nito sa kapatid.

“Yes, for today. How urgent is it?” sagot at tanong ni Jazmine saka pinasadahan ang papel na ibinigay ni Art.

“Very. The submission is due by Thursday next week,” sagot ng lalaki.

“I have a doctor appointment tomorrow morning and still has the orientation in the afternoon, Art,” imporma ni Jazmine sa kapatid.

“Maybe I could help?” singit niya.
Magkapanabay na tumingin sa kanya ang magkapatid. Art  was surprised but all smile but Jazmine was surpised but with disapproval facial expression.

PURELY BUSINESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon