Chapter 10

13 1 0
                                    

Chapter 10

Doomed


"Oh my God! Bilisan mo!" tili ko at agad akong tumakbo papunta sa may dalampasigan.

Dahil mag aalas kwatro na ay hindi na masyadong mainit ang araw. Hindi na rin masakit sa balat kaya magandang oras ito para lumangoy.

"Alright," si Eros sabay sunod sa akin.

Tumakbo ako muli kaya nahulog ang suot kong sombrero nang biglang umihip ang hangin. Napatingin ako sa likod at nakita kong pinulot iyon ni Eros. Nag-angat siya ng tingin sa akin. I smiled.

"Sorry. Nahulog," himagikhik ako.

Ngumiti siya at bahagyang lumapit sa akin. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko bago niya isinuot pabalik sa akin ang aking sombrero.

"T-thank you," I whispered.

Ngumiti siyang muli at tumango. Tumalikod na ako at napatingin na lang sa may dagat.

"Gusto mong sumakay sa bangka?" tanong niya.

"Pwede ba?"

"Kung gusto mo..."

"Sige!"

"Okay, then. Wait for me here, okay?"

Naglakad si Eros papunta sa isang lalaking nakatayo malapit sa may dock at kinausap. Tumango tango si Eros bago bumaling sa akin at kumaway.

"Come here!"

Hinawakan ko ang sombrero ko at naglakad palapit sa kaniya. He immediately snaked his arms around me. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hanggang five lang tayo para maabutan natin ang sunset mamaya," nakangiting aniya.

Tumango ako. At iyon nga ang nangyari. Ilang minuto lang ay may nakita na akong medyo malaking bangka na patungo sa amin. Naaninag ko agad doon ang lalaking kausap kanina ni Eros.

"Give me your hand," utos ni Eros para makasakay ako sa bangka.

Binigay ko agad iyon sa kaniya. Lalo na nang makita ko na medyo maalon at hindi mapermi ang bangka.

"There..." he whispered and scoop my waist.

Kinagat ko ang labi ko. Lumapit agad ako sa may upuan at umupo. Sumunod naman sa akin si Eros nang nakangiti.

"Are you okay? You look nervous," puna niya.

Tumango ako. "Maalon kasi. Baka malunod tayo," sabi ko.

He chuckled. "Well, I can swim if that will ever happens. How about you?"

Nahihiya akong umiling. "Hindi..."

"Woah. Really?" he mock.

"Oo nga!" medyo naiirita kong sagot dahil sa kaniyang pagngisi.

He laughed. Sumimangot ako.

"Well, if that's the case, then I'll be your life saver. I'll not let you drown, dahil sa akin ka lang dapat malunod, iyong hindi ka na makakaahon pa," he whispered.

Ngumuso ako at natahimik na lang, hindi alam kung paano mag rereact sa sinabi niya. I heard him chuckled when I choose to stay silent. Mas lalo akong napanguso.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan kaya hindi na kami nagkausap pa ni Eros dahil sa ingay ng makina pero nang huminto muli ang bangka sa gitna ng dagat ay nagsimula na ulit si Eros na kausapin ako.

"Upo ka doon. Picturan kita," aniya at may inilabas na camera.

Umiling ako. "Ayoko. Nakakahiya,"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 10 Bucket List of Cianna Kelaya (ONE SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon