Chapter 3
Better
Kinabukasan ay maaga akong nagising, even though I sleep late last night. Hindi agad ako nakatulog dahil maraming bagay ang pumapasok sa aking isipan.
I hate to admit it but that guy named Eros messed up my mind last night.
Humikab ako at tumayo na sa aking kama. It's another boring day to face. Minsan gusto kong lumabas ng bahay at mamasyal kahit diyan lang sa mga malalapit na park. Sawa na ako na palaging kwarto ko at bahay namin ang nakikita ko araw-araw. I'm not complaining but this is suffocating me, really.
"Mom...Can I go out today?"
I know it's a one hundred percent sure mommy will not let me go out, but still I tried.
Natigilan si mommy sa paghiwa ng pancake at napatingin sa akin. Nakakunot ang noo niya at sa itsura pa lang ay alam ko nang hindi niya ako papayagan.
"You know it's dangerous to you, hija..."
Hindi pa tapos si mommy sa pagsasalita ay tumango tango na ako. Yes. I understand her. I'm weak. It's dangerous for me to go outside. Ayaw lang nilang may mangyaring masama sa akin.
"I'm sorry, hija. I know nasasawa ka na dito sa bahay natin but we're doing this for you. I don't want to take the risks anymore," she said and held my hand.
I smiled understandingly, "Yes, mommy. I understand." sagot ko.
After eating, I went straight to my room. Wala akong ginawa buong umaga. Katulad lang ng lagi kong ginagawa, natutulog, kain, tulog at kain. Paulit-ulit. Nakakasawa din pala kapag palagi mong ginagawa ang isang bagay.
I have class today. Pero mamaya pang hapon ang dating ng prof ko pero anong oras pa lang ay naghanda na ako. May sariling room kami ng prof ko dito sa bahay kapag may class ako. Dating movie room namin iyon pero ginawa na lang na parang classroom nila mommy.
Yes, it looked like a classroom. May white black board. Isang malaking mesa para sa prof. Ang pinagkaibahan lang ay iisa lang ang upuang nandoon. And I don't have classmates.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumapit ako sa aking balkonahe. Bigla kong naalala ang nangyari noong isang araw. Nung naabutan akong nakatingin sa lalaking bagong dating. I remember how fast my heartbeat that time. Tandang-tanda ko pa kung paano ako kinabahan.
Pinilig ko ang ulo ko at pumangalumbaba, katulad ng ginawa ko nung dumating sila Tita Yasmin. At sa baba ay kitang-kita ko ang makukulay at nag gagandahang bulaklak na mga tanim ni mommy. Ngumuso ako at inangat ang isang kamay. Using my index finger, I started counting the gumamelas in my head.
"Six, Seven, Eight, Nine, Ten-"
Bigla akong napahinto sa pagbibilang ng may biglang humarurot na motorsiklo sa harap mismo ng bahay namin. Hindi ko mapigilang mapangiwi sa sobrang sakit sa tenga ng tonog ng nagawa ng sasakyan.
"Sino ba 'yan? Pasikat..." I frowned.
Sinundan ko ng tingin ang lalaking sakay ng motorsiklo at nakita kong huminto iyon sa tapat ng isang malaking bahay. And then I realized it was Tita Yasmin's house!
Oh no...Don't tell me...
Bumaba ang lalaking sakay ng motor at biglang tumingin sa banda ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko agad ang pamilyar niyang ngisi.
And I am right! It was the guy named Eros!
He owns a big bike? Well, it's not surprising anyway, he's a badboy and that bike suits his aura very well.
BINABASA MO ANG
The 10 Bucket List of Cianna Kelaya (ONE SHORT STORY)
Narrativa generaleEros and Cianna's love story.