Chapter 8

16 2 0
                                    

Chapter 8

Heart



"This is..." I trailed off.

Laglag panga ako habang nakadungaw sa baba. Sa gilid ko ay si Eros na pareho din ang ginagawa katulad ng sa akin.

"Beautiful..." siya na ang nagpatuloy sa gusto kong sabihin.

Indeed, the view is breathtakingly beautiful!

"Yeah," I mumbled and looked at him. I caught him staring at me.

He smiled.

My heart raced so I needed to looked away. Sa baba ko na lang itinuon ang mata ko.

I never thought this day would come into possible. Ni hindi ko inakalang makakasakay ako sa isang parachute. Actually, takot talaga ako sa mga matataas na lugar. Kaya hindi ko alam kung bakit isinulat ko ito sa bucket list ko.

"Grabe...Ang ganda dito sa taas!" I said excitedly.

Kasama namin ang Tito ng kaibigan ni Eros. Si Tito Jarred. Siya ang marunong magpalipad ng parachute at sa kaniya rin itong ginagamit ngayon.

Napatingin ako sa mga kamay ko at nakita kong nanginginig iyon. Mahangin kasi sa taas at isang sleevess na damit pa ang suot ko. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mayakap ang sarili. Eros noticed what I did.

"Cold?" he asked.

I nodded curtly. "A bit," I answered.

At sa sunod niyang ginawa ay halos nagpatalon sa akin sa gulat. Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang pag iinit ng pisngi ko nang maramdaman ko ang braso ni Eros sa akin. He gracefully snake his arms around me, gently hugging me from the back. Napanguso ako.

"W-what are you doing?" kinakabahan kong tanong.

Hindi pa rin kumakalma ang puso ko.

"I'm hugging you..." he answered.

Mas lalo akong ngumuso at napatingin na lang sa baba. Hindi masyadong mataas ang lipad namin dahil iyon ang gusto ni Eros. 

"It's fine, Eros. Nakakahiya kay Tito Jarred," bulong ko.

He chuckled and hugged me more. "Don't mind him. He knows you're my girlfriend."

Nanlaki ang mata ko at napabaling agad sa kaniya. He's staring at me intently.

"I'm not your girlfriend!" I hissed.

"Yet. You're not my girlfriend yet, Anna. At alam ko namang doon din tayo patungo kaya iyon na ang sabi ko kay Tito Jarred,"

"Kapal mo,"

Umirap ako at pinagtuonan na lang ng pansin ang tanawin sa baba. Hindi ko talaga maiwasang hindi mahiya kapag ganito siya at lalo na kapag may ibang taong nakakakita. And Eros told Tito Jarred that I'm his girlfriend! Ang kapal talaga.

"This is already one of my favorite moment in my life..." he whispered.

"B-bakit?" tanong ko.

"Hmm. Do you want to know?" tanong niya din.

Tumango ako ng isang beses. I felt his grasp on me tightened.

"It's because I'm hugging the girl I like right now, here...in this parachute..." he trailed off. "Sa harap ng napakagandang tanawin...just like you...beautiful," he added.

I'm...out of words.

Gusto kong magsalita pero wala akong mahanap na salita. Pakiramdam ko ay may nagbara sa lalamunan ko matapos ko marinig ang sinabi niya.

The 10 Bucket List of Cianna Kelaya (ONE SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon