9

1.9K 61 7
                                    

"Hindi ka nga pwede pumasok dito. Kulit naman e." sabi nung gaurd sakin habang nagkakamot ng kalbo niyang ulo. 

Kala niya siya lang naiinis, pati ako naiinis sakaniya. 

"Sige na please, ibibigay ko lang naman po itong pagkain ni Jema." sabay taas ng paper bag na may lamang turks. 

Pinauna ko na si Jema sa loob ng dorm nila para hindi mahalatang nakasama ko siya. 

"Hindi nga kasi pwede saka pwede namang ako nalang ang magbigay sakaniya eh." puta ka.

"Ako nalang please. Aalis rin naman agad ako dun eh."

"Umalis ka nalang kung ayaw mo."

"Susumbong kita sa misis mo." ewan ko ba bigla nalang lumabas sa bibig ko. 

"Ano naman isusumbong mo?"

Na bakit mas may buhok pa balbas mo kesa sa ulo mo.

"Na nakita kitang may kasamang babae. Sino yon ha? Kala mo tagal ko ng tinatago to pero ngayong ayaw mo ko papasukin kahit saglit lang, mapipilitan akong sabihin yon." pananakot ko sakaniya.

Agad namang umayos ang mukha niya sakin. From the grumpy one to a friendly one. Seems like I did the right thing. 

"Pumasok ka na nga at baka nagugutom na si Jema." agad akong napangisi ng buksan niya ang gate.

Deanna- 1
Gaurd- 0

Hindi naman talaga totoo yung sinabi ko kanina e. Ewan ko ba dyan sa gaurd, uto uto na nga, babaero pa pala. 

Nakangiti akong hinanap ang room number nila Jema. Miss ko na kasi baby ko kahit ilang minuto palang kami hindi nagkikita. 

Y'all know how much I love Jema. Bawat oras, minuto at segundo ng buhay ko, gusto lagi ko siyang nakikita. Sino ba namang magsasawa sa ganda niyang taglay? Gago nalang ang magsasawa sakaniya and definitely not me. 

Kumatok ako sa pinto nila at si Perez ang nagbukas nito. "Oh Deanna, napabisita ka." bati nito. 

"Si Jema?" tanong ko sakaniya.

"Nandito nagbibihis."

"Pasabi naman ako nalang magbibihis sakaniya." sabi ko sabay nguso.

"Baliw ka talaga kahit kailan." tumatawa niyang sagot. 

Pinapasok niya ako at nagpaalam na aalis nalang muna siya para masolo ko si Jema.

"I miss youuuu!" I run towards her as I spread my arms for her to hug me. 

"Buti nakapasok ka." sabi niya habang nakayakap sakin. 

I kissed the top of her head before answering. "Diba sabi ko I got you. Always believe in my words. Kung pwede lang makipagsuntukan ako dun sa makinis at makintab na gaurd na yon gagawin ko, makapasok lang." I smirked.

Tumawa siya pagtapos ako hampasin sa dibdib. "Ang yabang mo no."

"Ang yabang ko talaga. Si Jema nililigawan ko na? Maipagyayabang ko talaga yan." natawa narin ako dahil nakita ko kung paano siya mag blush. 

"I love you." I don't want any return from this. I just want her to know that eventhough I'm just her manliligaw, I still want her to be aware everyday that I love her. 

Ang cheezy no? Pero love keeps us on being cheezy. Korni man, mahal ko siya e.

"You have no idea how much you make me happy Deans. Feeling ko tuloy mas mayabang ako." she said as she cupped my cheeks. 

WAYS Where stories live. Discover now