12

1.3K 55 2
                                    

DEANNA

"Focus ka sa training." bulong ni Mads nang sikuhin pa ako sa bewang.

"Wait, may iniisip pa kasi ako." sagot ko sakaniya.

"Mamaya mo na 'yan isipin. UAAP or 'yang iniisip mo?"

Umirap ako, "Whatever Mads." sabi ko at nagpulot na ng bola sa likod.

Minsan naiinis narin ako sa pagiging pakielamera ni Maddie, parang ako 'yung anak niyang gusto niya laging mino-monitor.

Pagkatapos ng training ay agad 'kong kinuha ang aking gym bag at lumabas na ng BEG. Baka kasi guluhin na naman ako ng mga kateammates ko 'pag nakita na naman akong may iniisip. Minsan, panira rin sila ng mundo ko eh.

Pumunta ako sa may library at kahit hindi pa'ko nakakapagpalit ay hinayaan ko na para lamang ituloy ang aking pag-iisip.

Birthday na kasi ni Jema sa isang araw at nag-iisip pa'ko kung pa'no ko siya isusurprise sa mismong araw ng birthday niya. Naiisip ko naman na malapit siya sa mga magulang niya kaya bakit hindi 'dun nalang sa bahay nila ko siya isurprise diba? Para narin maipagpaalam ko sakanila na nililigawan ko si Jema. Kung ano mang magiging reaksyon at desisyon nila, ipaglalaban ko si Jema.

Nang buo na ang magiging desisyon ko ay lumabas na'ko ng library at kinuha ang number ng mga magulang ni Jema sa kapatid nitong si Em. Finafollow naman namin ang isa't isa sa twitter kaya nag dm nalang ako sakaniya.

Habang naghihintay ay chinat ko si Jema kung nasa'n siya pero hindi parin siya sumasagot kaya naman bumalik na muna ako ng BEG para yayain si Jules kumain.

"Papansinin mo lang ako pag kailangan mo'ko?" pagdadrama ni Jules.

"Wala naman akong kailangan sayo, wag ka ngang feeler." atake ko.

"Edi 'wag na tayo kumain!" nag cross arms siya at paalis na sana nang hatakin ko siya pabalik sa'kin.

"Tara na, libre ko naman saka namiss na kita." kunwaring paglalambing ko.

"Totoo ba 'yan?" nagpapasuyo ang kaniyang boses.

Tumango na lamang ako at salamat sa Diyos dahil ngumiti narin siya. Sabay kaming pumunta ng cafeteria para kumain.

"Teka nga," biglang nagsalita si Jules. "Hindi mo pa sa'kin napapakilala 'yang si Jema ha? Kalat na kayo sa twitter pero never mo napakilala."

"Nakilala mo na siya ah? Nung pumunta kami ng dorm tapos pinalipat ka namin sa kabilang kwarto." paliwanag ko.

"So, formal na pagpapakilala na sayo 'yon?"

"Oo."

"Bahala ka. Hindi mo na talaga ako tinuturing na bestfriend mo." pakunwaring pagtatampo niya.

"May plano naman kasi ako kaya hintay lang muna kayo."

"Ano naman 'yon?"

"Basta saka na 'pag sinagot niya na'ko."

"Hindi ka pa niya sinasagot?!" napatayo ito at nagtama ang kaniyang kilay.

"Eh ano naman?"

"Bakit naman hindi pa kayo eh grabe na 'yung nakikita ko na mga pictures niyo sa twitter. Ano pabebe pa siya gHorL?" maarteng ani niya.

Napabuntong hininga ako habang nakatitig ng mabuti kay Jules. "I'm willing to wait naman besides katulad ng nakikita mo sa twitter, parang kami naman na pero hindi. 'Yung oo niya nalang talaga ang kulang but still, I'm making sure na hindi ko siya namamadali. She'd been through a lot of heartbreaks in her past relationships, for sure she's still taking things slow." paliwanag ko sakaniya.

WAYS Where stories live. Discover now