11

1.3K 60 3
                                    

JEMA

"Okay lang ba 'yung suot ko?" tanong ko kay Deanna.

"Baby everything fits on you 'cause you're already beautiful." sagot niya na parang nababagot narin dahil kanina pa'ko pumipili ng susuotin ko.

Hindi ko ba alam kung bakit gusto kong maging sobrang presentable ngayon eh kikitain lang naman yung Celine na 'yun.

Nang matapos na'ko sa pag-aayos ay umalis na kami ng dorm at nagsimula ng magmaneho si Deanna sa Sampaloc.

Hindi nagtagal ay nakarating narin kami. "FEU?" tanong ko kay Deanna ng mahinto kami sa isa sa mga University na nakakalaban namin sa UAAP.

"Yeah," mahina nitong sagot at hinawakan niya ang aking kamay para sabay na kami pumasok ng campus.

Nandito kami sa may hallway habang si Deanna ay aligaga sa paggamit ng phone niya. Siguro ay tinetext niya na si Celine. Sino ba kasi 'yung pamysterious na Celine na 'yan? Siya ba ang hinahanap ni Daniel Padilla sa Barcelona? char.

"Oh she's here." nakangiting sabi sa'kin ni Deanna habang nakatitig sa may likod ko.

Agad naman akong lumingon para makita kung sino nga ba si Celine at nanlaki ang mata ko ng makilala ko na kung sino ba talaga siya.

Celine Domingo.

Sobrang ganda niya at pansin ko lang kay Deanna na sobra yung ngiti niya nang makita niya 'tong si Domingo lalo na nung nagbeso sila.

Nakaramdam ako ng pagkailang and at the same time ay bumigat ang damdamin ko. You can't blame me though, hindi talaga maiiwasan ang pagseselos even in those little things but syempre I still keep my cool aura.

"Nice meeting you again, Deanns."  bati ni Celine.

"It was nice meeting you also." sagot naman ni Deanna.

Napatingin naman sa'kin si Deanna at agad naman niya akong inakbayan. Yan Deanna buti naman ay naalala mo'ko.

"Celine," tawag niya dito. "This is Jema, nililigawan ko and Jema, this is Celine, my friend." pagpapakilala niya samin.

Nilahad niya ang kaniyang kamay habang nakangiti sa'kin. "Deanna's a lucky girl to have you." pagbibiro niya at mahina naman itong hinampas ni Deanna at parehas silang nagtawanan.

Okay so close sila, as in? Edi sila na.

Tinanggap ko ang kaniyang kamay at casual akong nagpakilala sakaniya. Sumakay na ulit kami sa kotse ni Deanna at napag-usapan nilang sa may Krispy Kreme mag mirienda. Nag-uusap sila habang nasa byahe samantalang ako ay walang imik. Hindi ko naman masyadong alam yung pinagtatawanan at pinagkkwentuhan nila eh.

"Ako nalang o-order." Celine insisted. "Ano ba order niyo?" tanong niya samin.

Sinabi na namin ang gusto namin at pumunta na siya sa may counter. Mukhang mabait naman pala siya. Actually, hindi ko naman siya hate eh. She's nice on court and she's approachable unlike me na sobrang sungit daw ng aura ko kaya hindi ako masyadong nilalapitan ng ibang players.

"Are you okay?" tanong sa'kin ni Deanna.

Tumango ako, "Yes, bakit hindi?"

"Kanina ka pa kasi tahimik eh."

"Ano gusto mo makisabat ako?"

"Not like that naman." sagot niya at bigla naman kumunot ang noo niya. "Wait, are you mad at me?" biglang paghihinala niya.

Umiling ako at ngumiti ng mahina. "Hindi. I'm fine."

Dumating na si Celine dala ang mga orders namin. Habang kumakain ay nagkkwentuhan lang ulit sila, paminsan-minsan ay sinasama ako ni Deanna pero hindi ako masyadong nagpapakita ng interes kaya hinahayaan niya na lang din ako.

WAYS Where stories live. Discover now