JEMA
Nakahiga lang ako sa kama ko dahil wala naman akong klase ngayong araw. Tinatamad rin akong bumangon dahil meron ako ngayon, kung minamalas-malas ka nga naman.
Dahil nga wala akong ginagawa, puro phone lang ako nang maisipan kong idm si Deanna sa twitter.
: Deanns! Punta ka dito.
Medyo matagal din bago siya nakapag reply.
: When?
: Ngayon
: Wala kang class?
: Wala nga eh and wala rin akong magawa.
: Sus! Miss mo lang ako eh.
: Opo super :(
: Sure! After ng morning class ko, punta ako dyan. Iloveyou.
Hindi na'ko nagreply sakaniya. Kung iniisip niyo kung bakit hindi na'ko nagreply sakaniya sa ILY niya ay dahil saka na pag kami na. Para san pa ang pangliligaw niya kung mag ILY back agad ako diba? Be hard to get girls.
"Gising ka na dyan Jema!" sigaw ni Perez pagpasok ng kwarto.
"Gising na ako." sagot ko.
"Ba't hindi ka pa nabangon?"
"Tinatamad pa'ko. Hihintayin ko nalang si Deanna."
"Ayon!" asar nito at umupo sa may kama ko. "Nagpapalambing muna sa jowa bago bangon."
"Hindi ko pa siya jowa, okay?"
"Pero getting there?"
"Oo naman! Medyo konting tiis pa." nakangiti kong sambit sakaniya.
Tumayo siya at nang akala ko ay aalis na siya ay biglang nagsalita. "Sige patagalin mo pa para sa iba na mangligaw." nang-aasar niyang sabi at saka sinarado ang pinto.
Sumama naman ang tingin ko. Hindi naman ganu'n si Deanna at kahit isang taon ko pa siyang paghintayin, for sure ako parin ang mahal non. Ramdam niya namang mahal ko siya e, label nalang talaga ang kulang.
: May gusto ka bang bilhin ko?
Dm sa'kin ni Deanna.
: Hindi pa'ko nag-aagahan e.
: So ano nga gusto mo?
: Milktea
: Milktea for breakfast? Ano nga hangga't hindi pa'ko nakakaalis ng Katipunan.
: Pwede naman 'yun ah?
: Isip ka ng gusto mong meal tapos bibilhan rin kita ng milktea.
Napangiti naman ako 'dun. Basta pagkain at Deanna, solid na talaga buhay ko.
: Mcdo breakfast meal nalang, kahit ano.
Hindi na siya nagreply so I bet nakaalis na siya para bumili ng kakainin ko at magmaneho papunta dito. Hindi ko naman talaga siya hinahayaan na pumunta dito ng walang dahilan, sadyang demanding lang ako ngayon and emotional at the same time kasi meron ako. Hindi 'to biro pero ang arte ko pag may regla talaga ako.
Ilang oras pa ng paghihintay at dumating na ang mahal ko. Sobrang ganda niya talaga kahit sa umaga. Umupo ako sa may kama at inilapag niya naman ang dala niyang pancakes from Mcdo at milktea.
"Kain ka na." sabi niya.
"Hindi mo ba'ko yayakapin?" nakanguso kong tanong sakaniya.
Ngumisi ito at umiling. "Eat first. 11AM na hindi ka pa nag-aagahan."