14

2.2K 82 15
                                    

JEMA (earlier that day)

"Oh bakit parang nagmamadali ka?" pansin ni Ponce.

"May kailangan pa kasi akong gawin." sagot ko sakaniya habang nilalagay ang mga gamit ko sa gym bag.

Katatapos lang ng pangalawang training namin ngayong araw at imbis na magpahinga na'ko ay pupunta pa'ko sa mall para bumili ng cake at ng regalo ko para kay Deanna.

Plano ko kasi na sa mismong birthday ko siya sasagutin. Special na araw sa'kin 'tong kaarawan ko kaya gusto ko rin maging special sakaniya 'yon. Isang buwan narin halos siyang nangliligaw at sa mga pinapakita niya sa'kin ay pasadong pasado siya. Sa kung paano niya siguraduhing nakauwi na'ko araw-araw, sa pagsama niya sa'kin pag gusto ko kumain, sa pagbyahe niya mula Katip papunta dito kahit pa gabi o umuulan, lahat ng efforts niya ang nagbibigay sa'kin ng dahilan para sagutin na siya. Para magtiwala akong muli ng lubos sa isang taong walang ginawa kundi pasiyahin ako.

Ngayon, gusto ko naman na siya ang mapasaya ko. Sa darating na mga araw, buwan o taon pa kung papalarin na magkasama kami, sisiguraduhin ko rin na hindi niya mararamdaman na siya lang ang nagmamahal saming dalawa.

I want our relationship to be give and take. We'll grow and learn together as a couple eventhough I know that there's usually an ups and downs. Love isn't just all about how we laugh and smile together, but it's also about how we cry, how we face each other's problem without having the idea of cooling off or breaking up and thinking about my decision today, I can say that I'm sure about Deanna, about commiting myself with her. No what ifs and no doubts.

"Can I take a look at this one?" tanong ko sa babae habang nakaturo sa silver necklace na may D na pendant sa gitna.

Nilabas niya 'yon at nagandahan naman ako kaya binili ko na saka ako nagtungo sa Red Ribbon para bumili ng cake. Pinasulat ko na ang gusto kong ipasulat at bigla namang tumawag si Deanna. Sinagot ko 'yon at sinabi ko sakaniyang sa KFC kami magkikita dahil sabay kaming kakain ng dinner ngayon.

Pumunta muna ako sa dorm para ilagay sa freezer ang cake at itago ang necklace saka ako pumunta ng KFC.

Wala pa si Deanna nang makarating ako kaya naghintay muna ako. Bigla ko namang naisip na sa bahay nalang ako nila mama maghahanda para sa birthday ko bukas. Tinawagan ko si mama at ilang segundo pa ay sinagot niya na ito.

"Hello Ma!" bati ko sa kabilang linya.

"Napatawag ka, anak?"

"Dyan nalang ako sa Laguna mag birthday para narin kasama ko na kayo."

"Ah, eh," parang nagdadalawang isip siya. "Wag na muna dito sa bahay nak." napakunot ang noo ko.

"Bakit naman?"

"Busy kami ng papa mo tapos may pasok pa si Mafe. Hindi ka namin masasamahan dito."

"Hindi ba kayo pwede mag leave muna para sa birthday ko?" halos nagmamakaawa kong sabi.

"Wag ka na makulit, Jema! Babawi nalang kami pag hindi na kami busy. Sige na, bye na."

"Teka, teka--" bigla niyang pinatay ang linya.

Napahawak ako sa aking sintido habang sinusubukang pakalmahin ang sarili. Naiinis ako na naiiyak. Kung kailan naman kaarawan ko na saka nila ako hindi uunahin. Minsan na nga lang kami magkita, hindi man lang nila ako mabigyan ng oras. Malaki na'ko para makaramdam ng ganito pero hindi ko mapigilan.

Dumating si Deanna at wala akong ganang kinausap siya. Tinatanong niya 'ko kung anong problema at hindi nako nag dalawang isip pang sabihin 'yon sakaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WAYS Where stories live. Discover now