LALICE MONTECARLOS
"Close your eyes muna kasi!"
"Wag kang magulo! Masisira yung maskara!"
Nandito ako ngayon sa harap ng aking malaking salamin. Tinakpan muna nila yung mukha ko bago ko nakita sarili ko.
Wag niyo nalang tanungin kung bakit nila ako napilit.
"Ayan! One! Two! Three!"
Wala akong masabi at the moment. Nag hahalo lahat ng emotions ko charot.Tang ina! Ako ba to?
Siguro bata pa ako non nung huli ako mag suot ng color pink pero putang ina, ako ba talaga to?
"You look like a freaking doll Lalice!!!" Sigaw nila dalawa. psh, like my second name.
Mukha nga talaga akong manika.
Hinawak hawakan ko pa yung mukha ko para tignan kong totoo ba talaga. Naging tao ako ngayon.
"Hoy gaga! Masisira yung concealer!" Sigaw ni Gil.
Humarap naman ako sakanila dahil sa hindi makapaniwala.
"Ang ganda ko no?" Puri ko sa sarili ko. Minsan lang naman eh. Pagbigyan.
"Hoy Gil ang hangin no?"
Boshit talaga tong bruhang to. Agad ko naman silang niyakap at nagpasalamat. Hindi kasi ako marunong mag ayos ng sarili ko. Sanay ako sa mga simpleng damit lang. Pero, ngayon, gustong gusto ko yung ayos ko ngayon. Parang new me ganern.
Sinuot naman nung dalawa yung outfits nila. Ang ganda naman ni plat kahit plat siya huhu. Nakapagtataka nga bakit walang boyfriend eh. Pero madami naman admirers. Doon pa kasi siya sa hopeless case niya eh shocks.
She wearing this lacy dress na may kasamang leopard print na parang jacket pr cover up. I don't know what to call it. Si Gil pala nag style sa aming dalawa. Ang galing din ng gagang yun!