Oath

15 0 0
                                    

My bestfriend bestfriend till the very end

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


My bestfriend bestfriend till the very end.

-

LALICE MONTECARLOS

Andito na kami sa kwarto ko habang kumakain ng Pizza tong plat na to. Kain lang siya ng kain. Hanggang ngayon hindi niya parin sinasabi paano niya nalaman. Wala pa nga akong sinasabi eh? 🙀

Shocking!

"O-hoyyy ubos na ha? Dalawang box na yung naubos mo! Nahiya naman yung bumili hindi pa nakakain." Pagpipigil ko sakanyang kunin yung ikatlong box kasi kakain din ako.

"E-eto na. Sarap talaga ng mga pagkain kapag libre hahayst!" Sabay sipsip niya ng ketchup sa thumb niya. Kadiri ka talaga ew.

"So?" Tanong ko. Kanina pa ako kating kati tanungin paano niya agad nalalam.

"Anong so?" Tatakant tanong niya. Aba. I'm curvedt?

"So so mo maliit."

"Tang ina mo. Parang may ibubuga ka rin ah?" At namakyu pa. Paalisin ko kaya to dito.

"Ro ayos kasi. Paano mo nga kasi nalaman? Wala pa nga akong sinasabi eh. Tsaka kani-kanina lanb yun. Tang ina, ano? Basta basta nalang nilipad ng hanging yung pang-yayari at binulong sayo?"

Kasi nakapag-tataka talagang alam niya ka agad. Eh siya naman yung unang una talagang makakaalam kasi sasabihin ko naman sakanya agad agad pero ang weird.

"K-kasi Lali. A-ano eh."

Nafifeel ko nag-aalanganin siya.

"May tinatago ka ba sakin?" Seryoso kong tanong.

"Wa-wala ah!"

"Good. Bukod sa wala ka namang tinatago diyan—" sabay turo ko sa dede niya 😂. "Alam ko naman na sinasabi mo lahat sakin, pero paano mo nga nalaman...KA A GAD?" While emphasizing 'kaagad'

"A-ano, sinabi kagad sakin ni Khalil!"

🤔

"Ay wow? Kailan pa kayo naging close? Ang alam ko ayaw mo nga sakanya eh?"

ROCHELLE SILVERIO

AY SHET KAILAN NGA BA? ANG BUBO ROCHELLE ANG BUBO MO!

LALICE MONTECARLOS

Summertime MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon