Chapter 35

689 12 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at kahit anong taboy ko kay Alezander ay hindi siya natitinag. May meeting kami ngayon sa Queenz at kahit ayoko wala akong nagawa nang ihatid ako ni Alezander dito.

"I will wait you here."

Inirapan ko siya at nagmadaling pumasok sa loob.

"Mukhang may ikukwento ka sa akin, ah?" Nagtataas-baba ang dalawang kilay ni Hillary, siya itong sumalubong sa akin. Hinila niya pa ako papunta sa couch ng studio.

"Dali na gusto ko na marinig kung ano ang mga sinabi ni Alezander para bilugin ulit ang ulo mo," sabi niya pa sabay halakhak.

"Anong sinasabi mo?"

"Wag ka na magdeny jan! Nabanggit na rin sa akin ni Alexa na nanliligaw daw ulit 'yong ex mo. So paano nangyari? Bakit ka pumayag? Diba ikakasal na siya?"

I took a sigh.

"Ganito kasi 'yan."

Wala pa ako sa kalagitnaan ng kwento ko ay natanaw ko si Lucas na palapit sa akin. Agad akong tumayo at sinalubong siya.

Ngiting-ngiti siya sa akin pero nang makita ang seryoso kong ekspresyon ay nawala ang ngiti niya.

"We need to talk." Nauna akong lumabas ng studio.

"What is it about?" tanong niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na dalawang taon ang nakakalipas ay nakiusap sa'yo si Alezander na sabihin sa'kin na magkita kami?" Hindi ko napigilan na hindi mainis.

Noong una ay halatang nagulat siya pero agad din siyang nakabawi.

"So what's the big deal now, Kyril? Akala ko ba ay ayaw mo na sa kanya? So bakit ginagawa mo pang big deal ang hindi natuloy na pagkikita niyo noon?" He clenched his jaw.

Lalo naman akong nakaramdam ng inis. "Hindi 'yon ang big deal. Ang big deal dito ay ang hindi mo pagsabi sa akin sa bagay na 'yon!

Umangat ang sulok ng labi niya.

"I'm sorry, okay? Dalawang taon na ang nakakalipas mula noon. Wag kang magalit jan dahil nanghihinayang ka sa pwedeng nangyari noon. Dahil malamang kahit magkita pa kayo noon iiwan ka pa rin niya!"

"And maybe not. Kung sana ay sinabi mo sa akin siguro ay masaya na kaming dalawa ngayon. You selfish!"

Padabog akong umalis sa harap niya at nagtungo na sa conference room kung saan gaganapin ang meeting. Nakalimutan ko na nga rin si Hillary na nasa studio. Kaya naman nang pumasok siya dito sa loob ng conference room ay sinimangutan niya ako.

Pumasok na si Madam V at nagulat ako nang makita kung sino ang nasa likod niya.

Anong ginagawa niya dito?

"Kyril, bakit mo naman hinayaan maghintay sa labas ang boyfriend mo?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Madam V.

Alezander smirked at me.

Gusto ko sanang pabulaanan ang sinabi niyang boyfriend ko si Alezander kaya lang ay nagsimula na siya sa pagsasalita tungkol sa agenda ng meeting. Napasimangot naman ako. Nagtama ang mga mata namin ni Hillary. Naningkit ang mga mata niya sakin na tila sinasabi na 'I owe her something'

Hindi ako makapagfocus sa mga sinasabi, paano ba naman itong si Alezander titig na titig sa akin. Nasa tapat ko pa man din.

"Ms. Kyril, are you listening?" puna sa akin ng manager na nagsasalita. Agad naman akong tumango. Narinig ko pa ang munting halakhak ni Alezander.

Chasing Love (Chasing #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon