Chapter 37

567 18 0
                                    

Nang nasa may bangka na kami papunta sa resort nila Shin hindi ko mapigilan ang sarili ko na pasimpleng sumulyap kay Alezander. Nakikipag-usap siya ngayon kay Shin. His aura is light just like before. Just like my Alezander Montegrande.

Lumingon siya sa akin. Ngumiti ako at nginitian niya rin ako. Parang gumaan ang pakiramdama ko, parang 'yong bigat na halos dalawang taon ko rin na dinala ay nabitawan ko na. Siniko ako ni Andrea. Makahulugan pa siyang ngumiti sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

Nang makarating kami sa private resort nila Shin ay namangha ako sa tanawin. This is an isolated island at sa hindi kalayuan mula sa shore ay may Spanish style mansion.

"I love it!" excited na sabi ni Briana tsaka siya inalalayan ni Shin pababa sa pump boat.

Napaigtad ako nang biglang hawakan ni Alezander ang kamay ko para alalayan naman ako sa pagbaba.

Pakiramdam ko ay lagi na lang akong nakukuryente kapag naglalapat ang mga balat namin.

"Thank you." Ngumiti ako sa kanya nang makababa ako sa pump boat.

He answered me with a smile also. A smile that causes butterflies in my stomach.

Naglalakad na kami papunta sa mansion pero hawak-hawak pa rin ni Alezander ang kamay ko. Pasimple kong tinatanggal ngunit lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakahawak niya sa akin.

Tumikhim si Ate Kim at nakakaloko akong nginitian. I pouted.

"Bago tayo bumalik ng Montreal akin ka na ulit, Kyril," confident na sabi ni Alezander. Napanguso naman ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawa mang magprotesta.

Bumibigay na ba ulit ako? Anong nangyari sa mga sinabi ko? Lulunukin ko nanaman?

Kahit na ang gusto ni Shin ay tig iisa kaming kwarto dahil sapat naman ang mga rooms ay pinili naming girls na magsama-sama sa isang kwarto kaya kinailangan pa na magpasok ng isa pang kama dito sa guest room.

"Sure ba kayo na magsisiksikan kayo rito?" nag-aalangan pa na tanong ni Shin.

"Anong siksikan? E, napakalaki nga nitong guest room niyo para sa amin and besides nakakatakot magsolo ng room in this kind of place. Isolated Island? So creepy," sagot ni Briana.

Sumang-ayon naman kami sa kanya kaya wala na rin nagawa si Shin kung hindi mag-utos na magpasok pa ng isang kama. Nang maiayos namin ang gamit namin ay nagpasya na kaming lumabas para mag-enjoy.

Paglabas palang ay tila nang-aakit na ang asul na dagat. Hindi ako nakaligo sa  pinanggalingan naming resort kaya naman takam na takam ako sa dagat. Nakaupo sa sun lounger ang boys at umiinom ng alak. Nagtakbuhan sina Briana at Andrea papunta sa dagat kaya naman hinubad ko na rin ang beach dress ko at inilapag sa sun lounger. Naubo pa si Shin kaya binatukan siya ni Alezander. Natawa naman ako tsaka tumakbo na rin papunta sa dagat.

"Yuhooo!" masayang sigaw ko nang maramdaman ko ang lamig ng tubig. Walang araw kaya naman ayos lang kahit hindi ako maglagay ng sunblock.

"Sayang walang araw gusto ko pa naman ng tan skin," reklamo pa ni Jade.

Lumangoy ako palayo kina Andrea at napatili ako nang biglang mula sa ilalim ay may pumulupot na braso sa bewang ko. Umahon si Alezander at nagtama ang mga mata namin.

"What are you wearing?" He clenched his jaw.

"Swimsuit. Isn't it obvious?" sarkastikong sabi ko.

"I mean bakit ganyan ang suot mo?" iritadong tanong niya.

"And why not? Nasa beach ako at nagsuswimming, so what do you want me to wear? Long sleeve and jogging pants? Gosh!"

"Fine!" pagsuko niya pero kitang-kita pa rin ang inis niya. "I will guard you."

Chasing Love (Chasing #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon