Epilogue

1.4K 29 5
                                    

Alezander

I was in second year high school when my father told me the truth.

"Inampon ka lang namin para maging kabayaran sa pagkakautang ko sa mga Hidalgo kaya sa ayaw at sa gusto mo ay ikakasal ka kay Aliya!" Galit na galit si Daddy sa pagtanggi ko na makasal kay Aliya.

Me and Aliya were good friends. Madalas silang bumibisita sa amin noong bago kami lumipat sa Maynila. Hindi naputol ang komunikasyon naming dalawa. Hanggang sa noong second year ako ay nagconfess siya ng nararamdaman niya sa akin. I rejected her. I don't feel the same way for her. For me, she's just a sister that I've never had.

Muli kaming bumalik sa Montreal para paglapitin muli kami ni Aliya.

"You will court her!" galit na sabi ni Daddy nang malaman niyang nireject ko si Aliya. "Nakakahiya sa ama niya ang ginawa mo!"

Nakapatay noon si Daddy pagkatapos nilang ikasal ni Mommy. Nagselos siya sa katrabaho ni Mommy na isa ring Doctor. He was drunk that night when my mother's workmate brings her home.

Fixed marriage lang ang nangyari sa kanila ni Daddy at sa pagkakaalam ko ang lalaking napatay ni Daddy ng hindi sinasadya ay ang lalaking mahal ni Mommy. Ayaw ni Daddy na makulong noon at tinulungan siya ng daddy ni Aliya. Sunod sa mga Montreal ay ang mga Hidalgo ang pinakamakapangyarihan na angkan dito sa Montreal kaya naman nalinis ng daddy ni Aliya ang pangalan ni Daddy. He was found not guilty during the trial.

"Matagal na kaming nagkasundo ng mga Hidalgo. We want our company to merge at ang gusto nila ay sa pamamagitan ng isang kasal. Wag na wag kang gagawa ng kagaguhan, Zander, dahil papatayin ka ng mga Hidalgo. They don't want breaking deals, so you better fixed your ass."

"Sundin mo na lang ang daddy mo, hijo. Ayokong may mangyaring masama sa'yo," nag-aalalang sabi ni Mommy.

That's why I courted Aliya pero masyado siyang nasaktan sa ginawa kong pagtanggi sa kanya noon kaya hindi siya pumayag na makipagdate sa akin. She demands my sincerity na hindi ko naman kayang ibigay.

Wala nang problema sa akin kung makakasal man ako sa kanya. Wala rin naman akong babaeng nagugustuhan. Umayaw lang ako noon because I don't want the idea of marriage. Tinanggap ko na na ikakasal kami ni Aliya hanggang sa makilala ko siya, si Kyril.

Nagtry out ako para sa basketball team ng Montreal High. Nang sunod sunod akong makathree points ay lumingon ako kay Aliya para kindatan siya ngunit bago ko tuluyang maibalik ang mga mata ko sa ring ay napukaw ang atensyon ko ng isang babae. She smiled at me. I don't know pero bigla akong kinabahan. Hindi ko siya pinansin at sinubukang magfocus na lang ulit pero hindi mawala-wala ang mukha niya sa isipan ko.

Damn it!

"Go, Alezander!"

Sa dami daming nagcheer sa akin ay hindi ko alam kung bakit ako lumingon.

Tama ang kutob ko na siya nga ang sumigaw sa pangalan ko.

That angelic voice is really fit her angelic face.

"Dave, kilala mo 'yong babaeng sumigaw sa pangalan ko kanina?" kuryosong tanong ko kay Dave, magiging teammate ko sa basketball.

"Dude, sino sa kanila? Ang daming sumisigaw sa pangalan mo." Natawa pa siya.

"Iyong pinakamaganda."

"Si Kyril Sembrano?" He smirked.

Nagkibit-balikat ako.

"Well, siya naman iyong pinakamagandang nagcheer sa'yo kanina kasi siya naman iyong pinakamaganda dito sa campus. Kaso hindi mo man lang pinansin? Ang dami kayang nagkakandarapa doon."

Chasing Love (Chasing #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon