Kabanata 8

10.8K 218 6
                                    

Kabanata 8

His rage

"Huyy girl tulala ka?" Gulat sa akin ni Glenda.

Malalim akong huminga at pinagmasdan ang soccer field. These past few days, mas lalo akong kinakabahan sa mga galaw niya. Mas lalo siyang naging marahas sa tuwing nagkikita kami.

I don't know what should I do. I am fucking frustrate. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, siguro hindi ko nalang ginawa iyon. Aminado naman akong kasalanan ko iyon pero sana maintindihan niya naman na masyado lang akong nalilibog sa kanya.

Tangina... Ka-babae kong tao, ako pa talaga ang gumawa ng motive sa kanya. Pero nakakainis lang kasi siya, ang landi landi.

"Huyy Estrecia baga sinasapian ka na dyan..." Pukaw ulit sa akin ni Glenda. Nilingon ko na siya gamit ang naniningkit kong mata.

"Ako sasapian? Demonyo yata ito bess..." Pataray kong sagot. She laughed.

"Oo nga pala... Kayang kaya ngang pasukin ang kwarto ni Hermes eh." Patuya niyang sabi.

This is why I don't want to tell her the truth. Hindi na ako magtataka na bukas trending na ako. Kulang nalang sa best friend ko gumamit ng mega phone para buong paaralan malaman.

"Ikaw nga nakikipag halikan kay Gavino kahit wala namang relasyon... Hanep kayong dalawa, okay lang maglaplapan." Walang tabas kong sabi na kinalaki ng mata niya.

Naku bess...wag ako!

Walang sekretong hindi nabubunyag sa akin. I am the most intelligent woman when it comes for crazy things.

Kitang-kita ko ang pagpula ng pisnge niya, landi din eh.

"A-ano ka ba b-bess, wag ka ngang maingay dyan..." Utal na pagkakasabi niya. Napangisi nalang ako sa epekto ni Gavino sa kanya.

"Estrecia Blaine let's go..." Isang malamig na boses ang bumalot sa tenga ko. Napa-upo ako ng maayos.

Pareho kami ni Glenda ang napatahimik dahil sa lalaki na nasa likod ko. Natatakot akong humarap sa kanya, natatakot akong makita ang nanggagalaiti niyang mata. I just can't take his eyes....that full of rage

"Don't make me wait Lacamba..." Ulit niyang sabi gamit parin ang malamig na tono. I closed my eyes tightly.

Kaya ayoko munang pumasok eh, siguradong may gagawin na naman siya sa akin. Last time sa kotse niya iyon, inutos niya sa akin na halikan ko siya ng malalim. Hindi ko nalang alam ang susunod na ipapagawa niya.

Nanghihina akong tumayo at humarap sa kanya. Gaya ng sabi ko, isang mapanganib na mata na naman ang nakatingin sa akin.

"B-bess una na k-kami huh..." Utal kong pagpapaalam sa kaibigan kong hanggang ngayon nakanganga pa.

Hindi ko na narinig ang sagot niya ng bigla akong hilahin ni Hermes palayo sa kanya. Sa kotse niya kami sumakay, tahimik lang kami habang binabay-bay namin ang daan.

Sa isang tagong subdivision niya pinasok ang kotse. Sa gulat at pagtataka napasiksik ako sa gilid ng bintana.

Anong ginagawa namin dito?

Mas lalo akong kinabahan ng itigil niya ang sasakyan sa harap ng abandunadong bahay. We both became silence.

Tanging malalalim niyang paghinga ang naririnig ko. Halos hindi ako humingi dahil sa mga pinaghalong kakaiba sa loob ko.

"Sit on my lap..." Malamig niyang utos sa akin. Umiling-iling ako habang pilit pinagsisisik-sikan ang katawan sa gilid.

"I said sit on my lap Estrecia Blaine..." Dumagundong ang boses niya sa loob ng kotse.

Costiño Series 3: Ninong's Lover (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now