Kabanata 9

9.8K 221 15
                                    

Kabanata 9

Ruined

"Congratulations you are three weeks pregnant..." Masayang anunsyo sa akin ng doktor.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya o iiyak dahil sa iba't-ibang uri ng nararamdaman ko. I feel happy but my fears pulling up.

Kahapon nung nagduwal ako, isa lang ang pumasok sa isip ko. May laman na ang tiyan ko at natatakot ako sa maaaring mangyari. Kaya ngayong araw, ginawan ko talaga ng paraan para makaalis lang ng penthouse. Kahit alam kong nagdududa sa akin kanina si Hermes, tinibayan ko ang loob para hindi matakot sa kanya.

I am happy that I'm having a baby a again but my fear years ago came back rushing to my mind.

Am I safe? Are we safe? Ayoko nang mangyari ang nangyari noon sa akin, ayoko nang maranasan lahat ng pait noon. Ayoko ng bumalik sa nakaraan ko. Tapos na ako doon at gusto ko na nang maayos na buhay.

I smiled. "Doc I just want to keep this as a secret. Is it okay?" Sabi ko kay Dr. Millar.

He nodded then give me an assurance smile.

"I will make it confidential Miss Lacamba. But I want to remind you, who ever the father of your child, he has the right to know about it...about the baby," Sincerity of his voice is present. I just sighed.

Sa ngayon, wala akong planong ipaalam sa ama ng bata ang dinadala ko. I will make this my secret, I will protect my child. Ayokong patayin ulit siya ng sarili niyang ama.

Twelve noon nang umalis ako ng clinic, napagpasyahan kong pumasok muna sa isang coffee shop. I need to think twice about my decision, hindi madaling magtago ng lihim kay Hermes. Lahat inaalam niya, lahat nahahanap niya. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis sa kanya at makalayo.

If I need to use all my money then I will. As long as makaalis ako sa kanya, at maprotektahan ko ang anak ko. This time, I won't waste everything God's made.

Sa isang Charitos Kapei ako pumasok, maganda ang lugar at amoy ko kaagad ang aroma ng kape. Puro mga foreigner ang tao sa loob, umupo nalang ako sa may bandang bintana. Nilibot ko ang tingin sa kabuohan ng coffee shop, maganda ng desenyo at comfortable sa tao.

"Madame what is your order?" Pagpukaw sa akin ng isang crew. I smiled a bit then take the menu.

What should I take? Cafe Americano? Selfie Latte? Matcha Green Tea Frappe? Choco Loco Crepe or Cookies and Cream?

Tinignan kong mabuti ang mga offer nilang kape, mukhang masarap lahat ngunit natatakam ako sa Choco Loco Crepe.

"Can I have Choco Loco Crepe and Selfie Latte please..." Maligaya kong sabi sa waiter na agad namang isinulat sa maliit na notebook ang order ko.

He smiled at me sweetly. "Wait for your order Ma'am." Sabi niya bago umalis sa harap ko.

Nagpatuloy ako sa pagtingin-tingin, maganda talaga siya at magaan sa pakiramdam ang loob. Kinapa ko ang tiyan at ngumiti ng matamis.

You are my hope now baby... Please stay with me forever.

Payuko na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang lalaking palabas ng pinto. Napanganga ako sa nakita, para bang huminto ang galaw ng oras ko.

Tinignan ko ang nilabasan niya. Private Office. Bakit siya nandito? At bakit siya nang galing sa loob ng opisinang yan?

Mas lalong tumigil ang mundo ko ng makitang sumunod sa paglabas niya ang isang babae.

Nanlulumong pinagmamasdan ko sila habang papunta sa counter ng shop. Kitang-kita ko ang galak sa mukha ni Hermes habang nakikipag-usap sa babae.

Christania Marie Andrada. The woman who ruined me, ang kasama niyang pumatay sa anak ko noon.

Costiño Series 3: Ninong's Lover (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now