Kabanata 12

10.8K 239 14
                                    

Kabanata 12

Pag angkin

"Back off fuck..." Galit kong sigaw kay Hermes.

Kanina pa ako gigil na gigil sa kanya, kanina niya pa ako kinulong dito sa kwarto niya. Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado ako na gabi at kanina pa ako hinahanap ng magulang ko.

"This is what you want right?" Paghahamon niya. Umirap ako at halos lumuwa ang mata ko dahil sa inis sa kanya.

"Wala akong lakas ngayon kaya Hindi ito ang gusto ko." Masungit kong sagot at pinilit ulit na makaalis malaki niyang katawan.

"Haha so kailangan mo munang kumain para maging ako ulit ang gusto mo..." May ngisi sa labi niya.

"Kung ikaw nalang ang kainin ko mas mabuti pa." Maanghang kong sagot. Mas lalong lumabas ang ngisi niya.

Minsan hindi ko talaga maintindihan ang ugali nitong malandi kong ninong. May panahon na sobrang masungit siya at malamig, may panahon na mapang-asar katulad ngayon. Alam na nga niyang marupok ako pagdating sa kanya pero heto, landi ng landi parin sa akin.

"You're still young.." Bumaba ang tono niya at nawala ang pang-aasar.

Umirap ulit ako bago siya tinalikuran at padabog na umupo sa kama niya. Iyon ba talaga ang rason niya kaya nagagawa niya akong saktan ng ganito? Dahil ba sa edad ko kaya hindi niya ako kayang sugalan?

Fuck it. Ang babaw ng rason niya. Ang daming kalalakihan ang naghahabol sa akin ngunit sa kanya ko lang ini-alay ang sarili ko. Sa dami ng lalaki na gusto ako maging nobya ni-isa Wala akong hinayaan na makapasok sa mundo ko.

Kanina kitang kita ko sa mukha niya ang galit nang magkita ulit kami ni Deckard. Halos wasakin niya ang pinto ng bahay nila para lang maipasok ako, sa hindi ko malamang dahilan, bakit ganoon ang nagiging reaksyon niya?

Ano nga ba talaga ang kinagagalit niya?

"Deckard has same age with me, maybe we should try together."

Napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang malakas na pagkawasak ng gitara niya na nasa gilid ng pinto. Nanlalaki ang mata ko habang nakanganga sa kanya.

Ang mga mata ay nagliliyab sa galit, ang panga ay umiigting at ang mga ugat sa braso ay nagsisilabasan na. Mabilis ang paghinga niya at nakatuon sa akin ang mata.

"No fucking way Estrecia Blaine... Tangina lang," Marahas niyang sabi.

"At bakit hindi Hermes? Tutal hindi naman tayo pwede at bata pa ako kaya may pag-asa kami ni Deckard.." Napatikip ako ng bibig ng sipain niya ang maliit na lamesa sa gilid niya.

"Subukan mo lang Lacamba, subukan mo lang at nang hindi ka na makalabas ng kwartong ito.." Banta niya sa akin bago lumabas ng kwarto na may galit sa mukha.

Hinawakan ko ng mahigpit ang dibdib dahil sa kaba na nararamdaman ko. Halos pigilan ko ang paghinga dahil sa kanya.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto, sinilip ko ang labas wala naman akong nakita. Binuksan ko nang tuluyan ang pinto at lumabas ako.

Tahimik sa labas at walang tao. Linakad ko ang hagdanan ngunit napatigil ako nang marinig ko ang ingay sa baba. Rinig ko ang boses ni auntie na tumatawa. Siguro kumakain na sila ng dinner. Napaatras ako ng namataan ko si Hermes na paakyat may dalang pagkain.

Dali-dali akong bumalik sa kwarto at umupo sa kama niya. Ilang sandali pa at bumukas ang pinto. Tinignan ko siya at saktong nasa akin din ang paningin niya. Hindi parin mawala sa mata niya ang lamig nito kaya kinabahan ulit ako.

Shit akala ko ba hindi na ako matatakot sa kanya. Akala ko ba matapang na ako? Bakit ngayon umaatras ang kaluluwa ko sa kanya. Ganito ba talaga ang epekto niya sa akin? Hindi na ba magbabago?

Costiño Series 3: Ninong's Lover (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now