Kabanata 10

10.8K 213 17
                                    

Kabanata 10

Lampshade

"Mama asan ngayon si papa?" Bungad kong tanong sa ina kong busy sa pagluluto.

Pagka-gising ko kasi kaninang umaga, hindi ko nakita si papa kaya nagkakapagtaka namang umalis siya. Hindi iyon aalis kung hindi papayag si mama.

Hindi ako nilingon ni mama at nagpatuloy lang siya sa pagluluto. Bakit parang ang tahimik ng bahay namin? Bakit parang nawala yung sigla.

"Ma nasaan nga si papa?" Tanong ko ulit. Tamad akong nilingon ni mama at bumuntong hininga.

"Nandoon sa babae niya. Wag mo akong tanungin kung nasaang lupalop yan dahil wala na akong pakealam sa ama mong malandi." Malamig niyang sabi habang namumula-mula ang mata.

What the fucking is happening?

Hindi ko lang nabigyan ng pansin ang pamilya namin ng ilang araw ganito na pala ang nangyayari. Anong ginawa ni papa? At bakit nagkakaganito si mama ngayon?

Patakbo kong nilapitan ang ina ko nang bigla siyang napaupo sa sahig. Nanlalaki ang mata ko habang tinitignan si mama na lumuluha na.

"A-anong nangyari ma?" Napautal kong tanong. Nanginginig kong yinakap sa likod si mama habang wala siyang tigil sa pag-iyak.

Sumiksik si mama sa mga braso ko habang walang tigil sa pag-iyak. Nag-iinit na din ang mata ko kaya tumingala ako para pigilin ang luhang nagbabadya.

"I-i caught y-your f-father with the other w-woman, t-they were walking intertwined their hands..." Nanginginig sa iyak na sabi ni mama. Tumigil ang mundo ko sa mga sinabi niya.

Paano nangyari iyon? My father was so in love with my mother. He can't even sleep when mom is not with him on the bed. He doesn't have life without mom. But how did it happened?

"I-t was the same woman who ruined us... it was y-your father mistress.." Bumuhos ang luha ni mama habang mahigpit na kumapit sa mga braso ko.

Hinimas-himas ko ang likod niya habang ang luha ko naman ay dumagsa na rin. Yinakap ko ang ulo niya habang inuugay sa mga braso ko. Hindi ko kayang paniwalaan na nagawa iyon ni papa.

Naaalala ko lahat tungkol sa babaeng iyon. Royanna is her name, and she was impregnate with my father. Nasa elementary days palang ako, nalaman ko na lahat ang tungkol sa naging babae ni papa. Nalaman ko kung paano niya nasaktan ang ina ko at kitang-kita ng mga mata ko ang nasayang na luha ni mama.

"Shhhh m-ma it's alright, wag ka nang umiyak... please!" Pagtatahan ko sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon ngayon ko ulit nakita mawasak ang ina ko.

Just like me, bina-balewala lang ng lalaking mahal na mahal ko. Wala kaming pinagka-iba ng ina ko, pareho lang kaming sinasaktan ng mga taong mahal namin.

"K-kukunin ako ng lolo mo dito, galit na galit siya sa papa mo anak kaya ang gusto niya ay doon nalang muna ako mamalagi sa bahay namin.." Sabi ni mama. Napahinto ako bago pagod na yumakap sa ina ko.

Wala na akong magagawa kung iyan man ang magiging desisyon niya. She deserved to unwind and relax herself. She needs leisure.

"W-would you come with me?" Tanong niya ulit sa akin.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung sasama ba ako. May parte ng puso ko na ayaw sumama at manatili nalang muna sa bahay. I need to digest everything, sobra akong nabigla sa nangyari.

"Ma, sa ngayon ikaw nalang muna ang sumama kay lolo, susunod ako kailangan ko munang kausapin si papa.." Buo ang desisyon ko. Hindi muna ako magpapadalos-dalos, kailangan kong malaman ang tinig ni papa.

Costiño Series 3: Ninong's Lover (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now