Spread Love (3)

37 1 0
                                    

pagka approach ko kay Lia. agad akong nagpunta sa Taas ikekwento ko sakanya ang mga nalaman ko! kahit alam na Niya yun.

masaya talaga ako ngayon. yung binabantayan ko kasi dati si Lia @ Uriel. theyre united together na. oo nga't they are married but that doesn;'t mean na tapos na ang problema. the chapter's done but the story goes on.

they just opened new pages on their lives. facing the challenges together. alam ko naman na infinite love na talaga sila e :) and kung anu man ang pagsubok na harapin e. kayanin nila :)

"Oh, ang saya mo ata." sa kasiyahan ko hindi ko napansin na nakadating na pala ako Sa Kanya. kilala nyo naman na siguro Siya dba?

lumuhod ako sakanya. pagpapakita ng respeto. hinawakan naman nya ang braso ko.

"Ikaw talagang bata ka, humayo ka."

ngumiti ako sakanya,

"alam nyo po ang saya ko!" panimula ko SaKanya.

" Kita ko sa iyong Muka, ano naman kaya ang dahilan?"

"kinasal na po kasi sina Uriel at Lia ung kinekwento ko po sainyo. nakakatuwa lang po kasi."

napatawa Siya sa mga sinabi ko. "Ikaw talaga, alam mo naman siguro na nasa sinapupunan pa lang sila eh yun na ang nakatadhana para sakanila."

"Opo. pero iba din po pala pag nangyari na. saksi po kasi ako e."

He patted my head, "marami pang pagsubok ang darating."

"pero naniniwala po ako na kahit ano pa man yun kaya nila ung harapin!"

nginitian nya ako.

"Kamusta naman ang mission mo?"

napaltan ang saya na nararamdaman ko sa pag aalala. naalala ko nanaman si Patrice. ang buhay nya.

" si Patrice po. ganun po ba talaga ang buhay nya? ang hirap naman po nun. ramdam na ramdam ko po kasi ang sakit na nararamdaman nya. mayaman nga po sila sa pera pero ang hirap naman nila sa pagmamahal."

"Ganyan talaga ang buhay. hindi lahat tayo ginagantimpalaan ng buhay na gusto natin. hindi lahat masaya. kasi kung ganun nga wala tayong matututunan sa buhay. "

" tama po kayo. pero nagtataka din po ako.. mababago po ba talaga ni Arron ang buhay nya? "

" pinagdududahan mo ba Ako?"

nagulat ako sa sinabi Nya. hala, hindi ganun ang gusto kong iparating.

tumawa siya.

" hindi po ganun! "

humalakhak siya. "Oo alam ko nagbibiro lamang ako."

"pero ang buhay po ni Arron masaya. hindi naman po sila ganun kayaman hindi tulad ni Patrice pero ang tight po ng family nila. as in para pong perpekto na ang buhay nya. masaya. anjan ang pamilyang sumusuporta sakanya,"

" tama ka. pero hindi din natin alam.."

nagpuzzled ako sa sagot nya sa akin..

"tingnan na lang natin kung ano ang kahahantungan nito sa huli, marami pang araw buwan o taon ang lilipas. maraming buhay ang mga magbabago. sa simpleng pagkausap mo sa isang tao, malay mo\'y may malaki pala siyang parte sa buhay mo. ika nga nila "We Dont meet people by accident.' lahat ng nakikilala natin, nagiging parte ng buhay natin, maalin sa babaguhin ba nito ang buhay mo o ikaw ang magbabago sa buhay nya."

napatahimik ako sa sinabi Nya. tila may ipinaparating siya, ngunit d ko maintindihan kung ano ito.

" ano po ang nais nyong iparating?"

nginitian Nya lang ako. "Nais mo bang makilala ang Ama mo?" tanong nya sa akin.

ako? gusto ko bang makilala Papa ko? tao siya e.

"ahmmm."

" wala ka bang plano na hanapin siya?" tinanong nya ulit ako.

hindi naman ako galit sa Papa ko. oo at hindi ko pa siya nakikilala.. sa totoo lang hindi sumagi sa isip ko ang hanapin siya. marahil ay sapat na ang pagmamahal na binibigay nila sa akin dito. dito sa Taas.

kailanman hindi ako nagkulang sa pagmamahal. masaya ako sa kung anung meron ako ngayon. :))

"hindi na po siguro. sa takdang panahon na lang po." sagot ko sakanya na ikinagulat nya ngunit ngumiti din siya kalaunan.

"ikaw ay isang mabuting bata Thalia."

"Syempre naman po!"

" pag igihan mo ang mission mo Thalia. Iba itong mission mo na to. Oo marami ka ng nasaksihan na pagmamahalan ng iba't ibang tao. Peto sinisiguro ko na iba ito sa lahat. Pwedeng mabago ang buhay ninuman pati na rin ang saiyo. "

"po? Ako po? Nako masaya na po ako sa ganito! Ung sa 18th birthday ko po sure ako na pipiliin ko na lang pong maging cupid at forever young! Masaya na po ako sa ginagawa ko kontento na po ako sa kung anong meron ako."

"wag kang magsalita ng hindi tapos Thalia"

"kayo po talaga." pabiro kong sabi Sa Kanya.. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.

" gaya ng ibang tao.. Nasa sinapupunan ka pa lang ay may itindhana na Akong plano para saiyo. Ikaw ay magpahinga na Thalia. May mission ka pang aayusin."

" sige po maraming salamat po!"

Lumuhod ulit ako sakanya at umalis na. Yung mga sinabi nya kanina tila may ipinapahiwatig siya.. Ano kaya iyon? Haiiy.. Siguro malalaman ko din ang mga bagaybagay sa takdang panahon.

Ngayon ung mission ko muna ang gagawin ko :")

Kailangan kong magtagumpay doon!

I CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon