AN// Sorry, hindi ko na po ito na edit ng maayos. I was rushing to finish this story before I the start of my classes po. Schooling na po kasi muna
"Nico."
I tsked silently. Kahit kailan panira ng moment talaga itong best friend ko.
Kumusta pala? I'm the ever handsome Valentino Rolando y del Fuego.
Eto lang ang chapter sa kwentong ito na nasa akin ang point of view kaya huwag kayong magalit kung napakahaba nito dahil susulitin ko , okay?
"Hindi pwede. We're going back to Manila tomorrow," seryosong sambit niya.
"I know and we're going with you remember? That means I can date her," confident kong sabi.
Bakit ba kasi ayaw niyang mag date kami? Nagpapaka OA na naman si Nico.
"And you think papayag ako?"
Matalim kung tiningnan si Nico na parang sinasabing bes-pagbigyan-mo-na-ako-aalis-na-kayo-hindi-ko-pa-nasosolo-ang-babaeng-gusto-ko.
"Uy, tama na yan!" sabi ni Hera sabay tulak kay Nico sa pool.
SPLASH!
"Aaaaah!"
Naramdaman ko ang pagkapit ng isang pares ng braso sa aking mga balikat.
Halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib ng makita ko ang buong kalawakan sa kanyang mga mata.
"H-hey, okay ka lang?"
Halatang nagulat si Lyrae sa pagtulak ni Hera kay Nico kaya napatalon siya sa floater kanina.
"I can hear beats of drum? Can you hear that?" inosenteng tanong ni Lyrae sa aming lahat.
Fvck heart!
"A-ah Lyrae?"
"Yes?" lumingon lang siya sa akin.
We're too close and I can't stop my heart beating so darn fast.
"Y-yung mga kamay mo," naiilang kong sabi.
Agad niya namang inalis iyon, "Sorry."
Tumango na lang ako. Phew!
Kahit anong mangyari, iba talaga ang epekto saakin ng babaeng ito.
"Nico, it's okay. Wala naman masama di ba? I mean, hindi pa naman natin flight papuntang US. I think half day will do, right V?"
Waaaaaahhhh! Is that a yes from Lyrae?
"Oo nga, Nico. Alam ko namang hindi pwede mapagod ito si Lyrae. Pagbigyan mo na ako best friend," pakikiusap ko na may halong pangiinis.
I'm sure Nico's been killing me several times in his mind right now. He can't say no easily to Lyrae especially if Lyrae was the one pleasing.
"Fine," napipilitang sagot ni Nico.
Sigurado rin akong mamaya bago matulog, masinsinang mag-uusap muna kami.
He's really protective of Lyrae. I don't get him in some point though.
Huwag lang siya magselos dahil ibang usapan nay un. Tsss.
Isang oras lang ang itinagal namin sa pool dahil baka mapagod si Lyrae pero makulit ako kaya hanggang ngayon, nakababad pa rin ako sa tubig habang sila ay naghahanda ng matulog. Sa isang tent magkatabi si Hera at Lyrae at kami naman ni Nico sa isa.