2

51 7 0
                                    

"Oh, kape. Nang magising ka na diyan sa kahibangan mo."

Nandito na kami sa munting kusina ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito na kami sa munting kusina ko. Unang dumiretso ang mokong sa inodoro para sumuka. Sa litter box pa nga sana ng pusa pupunteryahin eh. Pwede naman, kaso baka mas masuka siya sa amoy 'non.

"Inumin mo na iyan, lalamig pa.", tinulak ko pa ang kape sa harap ni Ian. Ni hindi siya natinag sa pagkakasubsob. Tulog na ata.

Tatalikod na sana ako para asikasuhin ang pagsasaing nang siya ay umimik. "Mahal mo pa naman ako, Tin, 'diba?"

Hanggang saan ba aabot 'to? "Ilang ulit ko bang sasabihing hindi ako si Tin?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko!", Bumangon siya sa pagkakayuko at pasigaw na sinabi iyon. Kitang-kita ko sa mukha niya ang labis na pagmamakaawa. Patay ang liwanag dito sa kitchen.Tanging ilaw lamang sa aking breaksfast nook/ nag-iisang dining table ang nagbibigay tanglaw sa morenong kutis ng hubad niyang katawan. Alam naman siguro niya ang pinag-gagagawa?

"Hindi ko alam.", maikli kong sagot at tuluyan na siyang tinalikuran.

Tagumpay akong nakapagsaing. Apat na salop---isa sa akin, tatlo para sa kanya. Baka gutom na rin iyan eh. Nang mapindot ko na pababa ang rice cooker, muli akong tumingin sa 'di inaasahang bisita.

Wala na siya.

Saan namang lupalop sumuot iyon?

Nakarinig ako ng mumunting ingay sa loob ng aking kwarto. Natakot ako siyempre! Malay mo akyat-bahay pala 'tong si Ian at modus niya lang ang mga eksena kanina.

"Hoy! Ipapapupulis na talaga kita, sige. Subukan mo lang!", pasigaw kong pagmamadali sa kwarto. Pero nang makapasok ako, tanging nangagkalat na saplot ang natagpuan ko sa sahig. Walang Ian.

Dinampot ko pa ang pantalon at underwear sa pag-aakalang sa akin iyon,pero dayyyy... basa ng pawis. Agad kong tinapon ang nakakadiring pananamit nang matukoy na kay Ian ang mga iyon. Narinig ko na rin ang lagaslas ng tubig mula sa shower. At home na at home talaga siya, ano?

At dahil hindi ko na maimagine pang suotin niya ulit ang tubal na damit, naghanda na rin ako ng isang malaking white shirt para sa kanya. Bigay pa 'to ni Papa galing Saudi. Akala niya siguro lolobo ang katawan ko ng ganito kalaki. Inilatag ko iyon kasama ng isang briefs na 'di ko pa nagagamit. Pero nagdalawang-isip ko sa size. Mukha kasing isang hita niya lang ang papasok doon. Sa pagmamadali, isang lumang boxer shorts na lang ang hinatak ko. Atleast iyon kahit mabanat, okay lang.

"Naplantsa mo na ba ang polo ko, Tin? Maaga pasok ko ngayon.", sulpot ni Ian sa likuran. Hinuha ko walang twalyang dala 'to. Naririnig ko pa ang mumunting patak ng tubig sa sahig ng aking kwarto.

Hindi ko na tinangkang lumingon pa. Nanigas na lang ako at tuwid na napatayo sa gilid ng kama. Hindi rin ako nagsalita, pinakiramdaman ko lang ang kilos niya.

Tahimik, ngunit rinig ko ang bigat ng kanyang buntong-hinga. Wala na rin ang singaw ng amoy ng alak, kundi tanging sabon na lamang. Naghintay pa ako sandali, at naramdaman kong pumulupot sa tiyan ko ang basa at matikas niyang mga braso. Unti-unti, naramdaman kong bumigat ang kanan kong balikat sa pagpatong ng kanyang ulo.

Hindi ko matukoy ang mararamdaman ng mga oras na iyon. Gusto kong kuwala, pero pinapasok ng pamilyar na init ang aking mga ugat. Dahan-dahang binabasa ng katawan niya ang aking damit. At ang lamig nito ang sumusundot sa kasu-kasuan ng aking damdamin. Pipikit na sana ako at tila ba naluluha sa pagsulyap ng mga pangitain sa isip kong hindi matukoy kung imahinasyon lamang o mga tunay na ala-ala. Pero nagising ako mga dayyy... tama na ang kalandian! May asawang tao si Ian.

"Matulog ka na, okay? May pasok pa ako bukas. ", baling ko sa kanya. Tagumpay naman akong hawakan ang dalawa niyang balikat kahit na mas matangkad siya sa akin. Tumitig lang siya sa akin, na akala mo'y binibiro ko. Medyo gumuguhit ang pilyong ngiti sa kanyang mukha, at sumusulyap na rin ang naniningkit niyang mga mata.

"Tulog na ba tayo, Tin?", tawa niya at kasunod na niyakap ako. "Sige, Tin, tulog na tayo. Hehe."

May katagalan na rin akong single. Mga since birth pa ata huli kong hada. Pero baklang marupok lang ako mga tea, pero ulit---hindi ako oportunista. Sinimulan kong buhatin ang bigat niya. Plano kong ihiga na siya sa kama, pero huli na nang naisip kong mas malakas nga siya.

Pinigilan ko pang huwag mahulog. Pero ala eh, diretso akong napahiga sa kanya. Ngayon, pati bed sheet ko basa na. Pumalag pa ako pero napuluputan na naman ako ng mga braso niya. "Hmmm. Bango ng buhok mo, Tin. Maasim-asim! "

Papansinin ko sana ang may kapaitan niyang puna ng may mas malaking bagay akong nadama. Hindi ko na kailangang i-elaborate, pero sige, hamit ka rin, tea, eh. So ayun nga! Nadama ko lang naman ang junjun ni Ian. At kahit saang lupalop ko pa ng isip isiksik na siya ay may asawa na, medyo pinatagal ko pa ng kaunti---mga ten minutes, iyong pagkakadikit ko sa kanya.

Payment accepted! Charrr.

Mabilis lang siyang nakatulog. Noong napansin niyang hindi na ako gumagalaw, tuluyan na rin siyang humarok. Maingat akong kumawala sa yakap niya. At siyempre, wala man tayong pakay pero kailangan ko ng souvenir. Nyaha! Sinulyapan ko si junjun niya bago tuluyang tumayo at takpan ito ng kumot. Kung ano mang nakita ko, sa akin na lang. Ba't kaya naisipang iwan ni Tin 'to? Nyaha!

Sa katahimikan muli ng aking bahay, lumabas ako para balikan ang sinaing. Alas dies y media na. Tapos na rin ang palabas na nais ko sanang panuorin. At marahil sa pagod na naranasan, binunot ko na lang ang saksak ng rice cooker at plakdang nahiga sa sofa. Mahaba-habang araw ito. Mahaba.

The Fine Line (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon