6

70 7 3
                                    

To my Ian,

Hindi ko nais na paghintayin ka. Hindi ko rin hangad na ang oras ay patagalin pa. Ngunit wala akong hawak sa panahon, at gayon nga... hinayaan lang kitang maglaho; malamon.

Ano't ano pa man, alam mong ang puso ko'y nagpapatawad. Hindi na bibilang ng ilang taon dahil nang oras na ika'y mahalin, tinanggap ko nang wala sa iyo ang makasasakit sa akin. Walang iwanan... wala pa rin naman. Dahil ang kahapon ay karugtong lang ng ngayon. Ito ang lumang bukas: ang bagong noon...

Saan ka man naroroon, tandaan mong ako'y naririto lang. Tangan ko ang pangako ng dalawang pusong tunay na nagmamahalan. Hindi na bibilang ng taon. Hindi na.

Pinatatawad na kita ngayon...pinatatawad na kita sa mga bukas na darating pa...

-Justin

The Fine Line (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon