5

47 7 0
                                    

"Ian?", pagbabakasakali ko sa bisita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ian?", pagbabakasakali ko sa bisita. Pero isang babae ang dumating. Ang ate ko pala.

Napawi ang ngiti ko. Pero sapat lang para mag-iwan ng kaunti para sa aking kapatid. "Anong mayron, ate? Napadalaw ka ata?" Pansin ko sa kanyang nakaputing uniporme at mukhang puyat din.

"May... may kasama ka ba dito?", tanong sa akin ni ate.

Hindi naman ako naglihim pa. "Oo. Pero umalis na. Dito nakitulog si Ian. Tanda mo pa siya? Iyong kapitbahay natin dati sa Malabon? Nakitulog siya dito kagabi, lasing na lasing. 'Di ko nga alam ba't dito yon dumiretso kahahanap kay Tin."

Hindi sumagot si ate. Pandalas lang siyang pumasok sa unit ko at nagtungo sa sa ref. Kinapapa niya kung anoman ang nandoon. Ako nama'y isinara na ang pinto. "Iniinom mo ba ang gamot mo?", tanong pa niya.

"Alin? Iyang vitamins ba? Ikaw 'tong nurse pero hindi makakilala ng pagkakaiba ng supplement at gamot. No approved therapuetic claims pa nga daw 'yan kahit sa commercial mo lang panuorin."

"Iniinom mo nga ba?", matigas niyang usisa. Lumapit ako sa kanya para hindi na lumala pa ang sitwasyon.

"Oo naman. Nalimutan ko lang kagabi kasi nga dumating si Ian."

Tinitigan ako ni ate ng may pagkadismaya. Kasunod noon ay isang buntong-hininga. "Tatawagan ko lang si mama. Kainin mo 'yang dala kong almusal."

"Okay."

Ginawa ko nga ang utos niya. Naghanda na rin ako para sa trabaho. Nakaligo na ako't bihis na ng may kumatok sa pintuan ng kwarto. "Anak, Justin?"

Pagbukas ko, si mama ang bumungad. "Ha? Bakit ma?"

"Anak, kasama ko ulit si Tito Michael, may pag-uusapan lang tayo.

------
































Alas nueve. Pumatak na naman ang alas nueve. Pero ngayon, araw na. At gayunparin, huli na naman ako. Ano kayang pagbabago ang muli kong haharapin?

"I should have seen this coming, Emmy.", sabi ni Tito Michael.

"I thought everything was going well, Jasmin?", dugtong pa niya kay ate.

"Akala ko rin, Tito."





Naramdaman kong hinawakan ni Mama ang kamay ko. "How are you feeling, Justin?"





"Ha? Sinong Justin ba ma? Ako si Kenny."





"Anak, your name is Justin. Nalimutan mo na naman ba? Ikaw si Justin."





Hindi pa man ako nasasagot pero pumasok na si ate. "Ma, dahan-dahan lang. Hayaan na muna natin siya."






"Teka sandali. Ano bang nangyayari? Anong ibig sabihin mo, ma? Si Tin iyong kapitbahay natin sa Malabon, diba?"





Isang iling lang ang isukli ni mama. Ramdam ko ang paghingang kumakakaripas na animo'y gumugulong na mga bato. Tumitibok pati na rin ang sentido ko. "Kumalma ka, Tin...", wika ni ate.




Isang tao lang ang naisip ko ng mga sandaling iyon. Isang tao lang. At sa pagitan ng aking mga luha, ipinalaman ko ang ngalang kanina lamang ay kapiling ko...

"Ian?" ang tanong ko sa basag na boses.





Tuluyan na ring umiyak si Mama. Nilapitan siya ni ate para pakalmahin. Si Tito Michael naman, lumapit sa akin bitbit ang isang karayom.


Anong bigat at sakit ng hampas na naramdaman ko sa aking ulo. Parang binibiyak! Awtomatikong napapabukas ang aking bibig, at ni hindi ko magawang pumikit. Naglumikot ang aking mga mata. Hindi ko namalayang napahagulgol na ako ng malakas kasabay ng pagsigaw sa pangalang natatandaan ko, pero mas nararamdaman ko... sa puso ko. "Iaannnnnn! Iaaannnn ko!"






Natabig ko ang lamesa, kumalat ang mga balang parisukat. Ang isa sa kanila--- ang palabas na inaantabayan ko tuwing gabi. Pero mukha ko, at mukha mo... September 2015, Amsterdam... tayo...iyon ang mga nakatatak...






Hindi ko na natandaan nang malinaw ang mga kaganapan. Nahilo ako kasabay ng sakit na tumusok sa aking braso. At si mama at ate Jas, lumuluha sila ng labis. Ramdam ko ang pagbigat, at pagsalo sa akin ni Tito Michael.





Kasabay noong bumuhos ang malatalon na bugso ng panaginip. O dapat ko bang ituring na ala-ala? Katotohanang nabaon, pero hindi dapat na limutin... Kasinungalingan ba ang lahat o siya ngang reyalidad? Mga panahong isang tao lang ang tinutumbok.

"Patawad..."

Alas nueve na nga. Lampas na marahil. Bumilang man ang tatlong taon, gabi man o araw... hindi ko mawawaksi sa isip kung gaano naging kalaking pagbabago ang dala ng araw na iyon. Kasama kita sa sasakyan. Nagmamakaawa ka. Gusto mo na akong bumalik. Sa isip ko, nauunawaan kita. Pero may kirot sa puso ko nang maalalang maaring mawala ka; na may anak ka na.










Sasagot na sana ako nang biglang tumigil ang mundo, ang ingay! Dumilim ang lahat, umikot at nayupi, nabasag ang salamin ng kotse, kinain natin ang linya ng trak...















Ikaw...nakita kitang nilamon ng dilim... dugo...panaghoy...at isang pares ng mga matang hanggang sa pagpikit ay pagmamahal ang idinulot sa akin...

"Patawad, Ian... Pinatatawad na kita..."
















Nakita kitang nakangiti sa may pintuan...bago tuluyang tumalikod at paningin ko'y nilisan...

The Fine Line (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon