3

42 7 0
                                    

Hindi ko na namalayan ang oras pero nakatulog na ata ako sa pag-iisip. Patay ang ilaw at tanging liwanag na lamang ng poste sa labas ang tanglaw. Sa dilim ng muli kong paggising, naramdaman ko ang marahang pag-ugoy. Sapat lang para mabatid ko ang lamig ng pagtulog ng walang kumot. "Kapit, Tin." boses na akala ko'y nagmula sa panaginip.

"Ang lamig sa salas, bat don ka natulog? Kulit mo talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang lamig sa salas, bat don ka natulog? Kulit mo talaga." Tuluyan na akong naalimpungatan upang matagpuan ang sariling karga ni Ian papasok sa kwarto. Diretso niya akong ihiniga sa kaliwang bahagi kung saan pasaliwa sa tama ng liwanag ng lampshade. Kasunod nito'y humiga na rin siya sa kanan. At suot na niya ang malaking shirt na galing Saudi, pati ang lumang boxers.

"Grabe ka naman,Tin. Ayaw mo na talaga akong katabi sa pagtulog?", malambing ngunit pabiro niyang bati. Nandito na 'to eh. Pinatulog ko na nga sa bahay, nakita ko pa tinatago niya,tapos dededmahin ko lang?

"Hindi ka naman na siguro lasing. Ilang ulit ko ba sasabihing hindi ako si Tin?"

"Mahal mo pa ba ako, Tin?"

"Sinabi na ngang hindi ako si Tin! Wala dito si Tin! Ako si Kenny. Lalaki ako, hello?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko, mahal mo pa ba ako?"

Bumangon ako mula sa pagkakaharap namin, at hinampas siya ng unan. "Apakakulit mo talaga, sinabi nang hindi ako si Tin!"

"Teka lang naman. Huwag ka namang maging brutal!", pigil niya sa dalawa kong pulsuhan.

Tuluyan na akong nilamon ng inis at pagod. Napaiyak na lang ako sa tindi ng pagpipigil sa emosyon. "Eh kasi naman, gusto ko lang matulog. Bakit ba ayaw mo akong patulugin? Lakas ng trip mo. Hindi ka naman ata lasing!"

"Sige na, sige na. Tahan na. Matulog na ulit tayo, eto na." Humiga na rin siya at pilit akong niyayaya pahiga. Pero diretso akong tumayo at siya'y tinalikuran. "Oy teka, san ka pupunta?"

Nagtungo ako sa kusina. 'Di alintana na siya'y sumunod baga o hindi. Alas tres na pala, at dinalaw na rin ako ng gutom. Muli kong pinindot ang rice cooker para uminit. Winisikan ko na lang ng kaunting tubig ang bahaw para hindi manigas. Pagkatapos, binuksan ko ang ref para kunin ang isang balot ng skinless longganisa. Chicken to, ang favorite ko.

Akmang bubuhayin ko na ang kalan nang may bulto na tumabi sa akin. "Ako na diyan, maupo ka na lang don." Agaw ni Ian sa syanse at kawali. Binayaan ko na. Ayaw ko ng diskusyon. "Okay."

Kumuha na lamang ako ng dalawang plato para ilatag sa lamesa. Dinukwit ko na rin yung ketsup kasabay ng dalawang baso. "Gusto mo ba ng kape?", pabalang kong tanong sa lalaking busy sa pagpiprito. Isang tango lang at ngiti ang tugon niya. Mukhang humupa na ang impluwensiya ng alak, at nari-realize niyang kailangan niyang manahimik dahil wala naman siya sa sariling bahay. "2 scoops ng creamer. No sugar, please.", habol niya. Mali pala ang haka-haka ko.

Konti na lang, iisipin kong droga ang ininom nito eh, hindi alak. Kaya dimamihan ko ang sandok ng kape para magising talaga siya. Kala niya ha.

"Anong pumasok sa isip mo at dito mo naisipang makitulog?", tanong ko habang nagsasalin ng tubig. Hindi naman siya kagyat na sumagot. Narinig kong binaliktad niya muna ang piniprito. "Wala eh. Ito lang naman alam kong pwede.", sagot niya.

"Wala ka bang bahay? Saan ba kayo lumipat ni Tin?"

Natigil siya sa pagkukuykoy at natameme. "Hindi naman kami lumipat ni Tin."

"Whatever.", irap ko sabay higop ng kape. Hahaba na naman ang usapan tungkol kay Tin.

"Hindi naman kami lumipat ni Tin. Tandang-tanda ko pa kung saan kami nakatira." , entrada ni Ian bago ilapag ang plato na laman ang pritong longganisa.

"Oo. At sa Malabon iyon, diba?" , pagprangka ko.

"Oo. Doon nga."

"Eh bakit dito mo hahanapin si Tin? Nasa Pasig tayo, hello? Kundangan kang timang."

Ngumiti lang siya bago hilahin ang kapeng tinimpla ko. Ako nama'y tumayo para sumandok ng kanin. "Alam ko kasing nandito si Tin."

Kung usok lang tulad ng bagong init na kanin ang inis ko, malamang nagliyab na ito matapos sa marinig. Enough na ha. Ayaw ko na ng gaguhan. Umaga na mamaya, naglolokohan pa rin kami dito?

Umupo na ako sa harap niya. Pinauna siyang sumandok ng kanin at ako naman sa ulam. "Ano bang kasalanan mo kay Tin at halos mabaliw ka na ng ganyan?", usisa ko.

Tuloy lang ang ngiti niya habang ikinakalat ang kanin sa plato. "Iyon ba? Hhmmm. Mahal ko si Tin. Sobrang mahal. Hindi na nga mahalaga sa akin kung hindi niya tanggapin, basta kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Ramdam ko."

"Bakit ngaaaaa?"

"Mamaya na. Kumain muna tayo. Gutom na rin ako. "

At ganoon nga ang nagyari. Walang umimik sa amin hanggang sa maubos ang kanin sa kaldero. Ang anim na longganisa, hinati namin sa tigtatlo. At ang tubig na siyang dapat panulak, napaltan na lang ng kape.

"Tulog na tayo. ", aya niya sa akin.

Iyon naman talaga ang gagawin ko. Kaya iniligpit ko na ang mga plato at baso, pero pinigil niya ako. "Ako na diyan. Una ka sa sa kwarto."

Ayeeeeenn! Iyan ang magaling eh. At home na at home. Feeling asawa ako para utusan? Pero okay. Madali akong kausap. "Babaran mo ng tubig na mainit ang kaldero para lumambot ang nanikit na kanin. Byeeee"

Diretso akong tumungo sa kama. Nagpalit na rin ako ng damit dahil nakapangpasok pa pala ako nang matulog. Isi-net ko na rin ang alarm sa alas siete. Magpapalate na lang ako dahil feeling ko kulang tulog ko. Nang patayin ko na ang lampshade, siya namang pasok ni Ian. Tanging bulto na lang niya ang napansin kong lumapit.

"Isog ka 'don.", sabi niya.

"Aba? At bakit?"

"Pwesto ko iyan. Isog ka don. Antok na ako."

"Urrggggghhh! Kailan mo pa naging pwesto 'to? Doon ka sa sofa. May kumot diyan sa cabinet. ", utos ko sa kanya at muling binuhay ang ilaw.

"Pwesto ko iyan kanina. Huwag ka nang magulo. Matulog na lang tayo."

"Whatever."

Umisog ako at nagparaya. Tumalikod na lang ako para hindi na mabwisit pa. Ramdam ko nang umuga ang kama sa kanyang paghiga. Nakatihaya siya, alam ko. At kahit antok, rinig ko sa aking pagpikit ang malalim niyang paghinga. Sinilip ko siya sa pagpaling ng aking ulo, at natagpuan na tulala siya sa kisame habang nakangiti.

Tuluyan na akong naintriga at ipinaling ang nalabaluktot na katawan. "Hindi ka na naman lasing, 'diba?", panimula ko.

Tumingin muna siya sa akin at ngumiti. "Hindi na siguro."

"Okay. Pwede bang malaman kung anong ginawa mo kay Tin at ganyan ka na lang... baliw?"

"Sasabihin ko, basta hahayaan mo akong matapos at hindi ka mangja-judge."

"Deal."

"Hhmmmm. Sige. Tanda mo pa naman kung sino Tin, diba? Alam mo kung ano klaseng tao si Tin?"

"Oo."

"Mahal na mahal ko si Tin. Sobra..."

"Tapos?"

"Naglihim ako sa kanya...mabigat eh...", ang puno ng hinayang niyang ngiti.


"Mahal mo pala, bat mo----"

"Shhhh. May deal tayo, diba?"

"Sorry."

"Sige lang. Alam ko naman ang bigat na dulot noon kay Tin. Pero maniwala ka, hindi ko intensyon ang mga nangyari. Wala akong choice kundi panindigan ang nangyari. At iyon ang hindi ko naipaliwanag kay Tin

The Fine Line (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon