"Alas nueve.
Palaging alas nueve ang uwi ko.
Pero sa araw na ito, nahuli lang ako ng sampung minuto... malaking pagbabago na kaagad ang sinalubong ko.
Oo, tama ka.
Nahuli ako. Nahuli..."
____________________
There's a fine line between the past an...
Nakita kong namumuo na ang luha ni Ian, marahil dahil ngayon nga lang niya nasasabi ang mga bagay na kinikimkim.
"...Ayos na lahat sa amin eh. Ayos na. Ikakasal na kami sa Taiwan noon. Plantsado na rin pati ang honeymoon namin. Pinag-ipunan namin iyon. 2 years. Pero...pero dumating si Kaye..."
"Sinong Kaye?"
"Si Kaye ang ex-girfriend ko. Matagal na nang huli kaming nagkita. Pero pagbalik niya, may kasama na siyang bata. Anak ko daw. At gusto niya kaming maging pamilya."
Pumikit si Ian dahilan para lumaglag ang kaniyang luha. Pinunasan niya iyon gamit ang braso.
"...Inilihim ko iyon kay Tin. Iyon ang kasalanan ko. Matagal kong itinago sa kanya na may ganoon ngang nangyari, dahil ayaw kong magalit siya. At natakot kong iwan niya ako oras na malaman niya iyon. Pero bwisit ang tadhana eh, bago ko pa maipaliwanag sa kanya...nalaman na niya."
"Paano?"
"Nakita niya kami ng anak ko...at ni Kaye. Naisip ko noon na aminin na, pero naduwag ako eh. At narinig niya pang tawagin akong "daddy". Hindi naman siya kilala ni Kaye. Wala siyang ideya na ang kaharap namin noon ang siyang magmamay-ari na ng puso ko... ang taong balak ko nang pakasalan. At ganoon din, umalis si Tin na parang hindi ako kilala."
"Hindi mo siya hinabol?"
"Sinundan ko siya. Pero pagkatapos ko nang maihatid ang anak ko. Dumiretso ako sa unit namin ni Tin, pero wala na siya doon. Wala na rin ang ilan sa mga gamit niya. Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi ko na macontact. Alam ko... kilala ko si Tin. Alam kong mauunawaan niya ako, at alam kong alam niya na hindi ko siya niloko. Kinumbinsi ko ang sarili kong malabong iiwan niya ako.Pero mahirap palang magtiwala sa alam ko lang..."
Tuloy ang pag-iyak ni Ian. Inaalo ko na rin ang braso niya dahil ang hirap ikubli a ng panghihinayang ko sa naririnig.
"...Hinayaan ko siya. Binigyan ko siya ng time mapag-isa. Sabi sa akin ni Tita Emmy, ang nanay niya, sa ate Jas niya raw tumuloy. At ang bilin, huwag daw sabihin sa akin. Tinanggap ko. Binigay ko kung anong pakay niya. Pero masisisi mo ba ako kung hindi ko kayang hintayin kung hanggang kailan?", humarap si Ian sa akin na para bang humihingi ng simpatya. Nanatili lang akong nakatitig sa lumuluha niyang mga mata.
"Pinuntahan ko si Tin. Nagmakaawa ako. Lumuhod ako sa gate nila para lang mapansin niya ako. Isinigaw ko pa ang pangalan niya . Nagmakaawa ako kay Tin... ", saglit niyang pinutol ang kwento at ibinaling ang tingin sa kisame.
Mga ilang segundo siyang umiiling sa kawalan habang punas-punas ang pagpatak ng luha. Titigilan ko na sana siya,papaling na sana pakabila nang muli siyang umimik.
"Nagmakaawa ako sa iyo, Tin...", hinarap ko siya ng buong inis. Magsisimula na naman ba kami? Pero natagpuan ko na lang siyang matamang nakatitig sa akin, habang sinserong sinasabi ang kanyang pakay.
"Nagmakaawa ako iyo, Tin. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa'kin. Pumayag ka... nagkausap tayo. Pero may mas malaki akong kasalanan sa iyo...."
"Ano?"
"Iniwan kita."
Gumuhit iyon sa kaibuturan ko. Katulad na lamang ng sa palabas na lagi kong inaabangan tuwing gabi, nasasaktan ako sa mga salitang ibinubulgar ni Ian.
Ramdam kong hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay. Tinitigan niya iyon at pinaglaruan ng ilang segundo. Sabay sabing, "Tingin mo tatanggapin na ni Tin ang patawad ko?"
Ahhh. So okay. Balik na naman kami sa normal mode. Flight mode lang pala iyong kanina. Okay. Pinunasan ko ang luhang dapat sana ay tutulo na.
"Pwede na ba akong magsalita?" , tanong ko. Tanging tango lang ang isinukli niya. Kinuha ko iyon bilang permiso.
"Base sa kwento mo, hindi pa rin ako kumbinsido. Kung ako ang tatanungin mo ha...", iwinaksi ko na ang kamay naming magkahugpong. "...nakukulangan lang ako sa detalye. Kundangang wala ako sa mga pangyayaring iyon, at hindi ko alam kung ano nga bang side ni Tin at ano ang dapat na paniwalaan. Pero.... pero ang alam ko lang, kung tunay ang pagmamahal mo sa isang tao---wala namang mabigat na kasalanan. "
"Talaga?"
"Oo. Kung tunay kayo sa isa't-isa, alam niyo kahit na mabaon pa sa limot ang katotohanan, walang kasalanan na hindi kayang unawain. Oras lang ang kailangan."
"Iyon nga ang wala ako. Oras."
"Masyado mo kasing minadali eh.", tapik ko sa braso niya. Wow. Feeling close lang ako, no?
"Tulog na tayo.", mungkahi niya. Sabay na rin akong pumaling pabalik sa aking gilid. Pero madamot naman siguro ako kung hahayaan kong lumipas na lamang kung anong nararamdaman kong makapagpapagaan ng loob niya. Kaya't sa malamlam na ilaw ng silid na aming kinalalagakan, buong ingat kong sinabi sa kanya..."Kung ako si Tin, patatawarin kita. Ramdam ko namang tunay ang instesyon mo. At kawawa ka naman kung hindi ka patatawarin, madudugyot ka lang."
"Patatawarin mo ako, kung ikaw si Tin?"
"Oo."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Malamig ang daling-araw. Lagi naman. Pero ibang init ang dumalaw sa akin ng mga sandaling iyon. Bukod sa yakap na iginanti ni Ian, at isang bulong ng "Salamat.", may gaang dulot sa akin ang mga kaganapan. Na para bang ang pagkikita namin kaninang alas nueve ay ala-alang binibisita ko lamang ng paulit-ulit at ayaw kong matapos. Na para bang sa akin talaga ang kanyang yakap, na para bang sa amin ang gabi. Ramdam ko ang kaligayahan para kay Tin...
Nagising ako sa mas pamilyar na pukaw ng alarm clock ko. Ang init ng pang alas sieteng araw ang bagong yakap na bumabalot sa akin. Oo nga. Wala nang ibang nakapulupot sa akin. Mabilis akong bumangon upang silipin ang bisita. Pero wala akong nakita sa kama kundi ang sinuot niyang damit na galing Saudi at boxee shorts na nangakatiklop na.
Lumabas din ako sa sala, sa pag-iisip na baka abutan ko pa siya. Ngunit wala nang bakas ng isang lasing na lalaking dumalaw sa aking nananaginip na gabi. Nakataob na rin ang kaldero ng rice cooker, na paniguradong hinugasan niya muna bago umalis. Masaya ako, magaan ang umaga ko. Kaya't mabilis ko ring binuksan ang pintuan nang makarinig ng katok.