Kabanata 5

442 15 3
                                    


30 Dias En El Siglo XXI written by @kagejungshin

(Day 3)

Kawawa naman si Danilo nang maabutan ko sya sa labas ng condo namin. Siguro ilang oras na sya doon at gutom na gutom na.

Napag usapan nga pala namin ang tungkol sa keycard at cellphone nyang nawala. Potek mahal pa naman ang Iphone X na yon kahit na 20 years ago pa yon nakalipas. But my regrets disappeared nang malaman kong gusto nya lang ako ipagluto kahit paano ay makabawi sya.

"Aww.. Pero hindi mo naman kailangang gawin iyon." sabi ko kagabi.

Oo nga pala, day off ko ngayon kaya naman tinaanong ko sya ngayon habang nag uumagahan kami kung ano ang buong pangalan ng kanyang asawa. Napag alaman ko ring 27  days nalang sya dito sa panahon namin kaya naman kailangan na nya talagang hanapin si Rebecca.

Habang naliligo sya sa cr, palihim kong binuksan ang laptop ko at pumunta sa facebook. I typed, "Rebecca Garcia"

Oops, may isang friend akong Rebecca Garcia. I stalked each account na naglabas sa mga results. All of them are pretty. But guess what? Yong Rebecca Garcia na friend ko ang sure ang hinahanap ni Danilo based sa mga katangian nito.

She have a baby boy, smiling with her at the picture. Kamukhang kamukha nya si Danilo, mukhang Espanyol. Maganda ang kilay, pilik mata at bilugang mata nito. Maputi rin ang bata at mataba. Ang gwapo gwapo ng bata kahit na mukhang isang buwan pa lamang simula nang ipanganak ito.

Rebecca Garcia
5 mins ago

Halos isang buwan na ang nakalipas nang mawala ka sakin. Imyyyy, please comeback :<

Like • Comment • Share

"Donna?" tawag sa akin ni Danilo nang lumabas sya sa cr. Dahil sa gulat ko ay sinarado ko bigla ang laptop ko at kinakabahang hinarap sya.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong nya sa akin habang pinupunasan ng towel ang kanyang buhok. "Mukhang takot na takot ka. May nakita ka bang multo?"

"H-ha? A-ahahahaahaha.. Things such as ghosts doesn't exist. Walang ganon. Wag moko alalahanin." wika ko na ikinakunot ng noo nya pero binalewala lang ang sinabi ko.

"Wala kabang trabaho, Donna? Nais ko sanang magpasama sayo upang hanapin si Rebecca, kung ayos lang.." sabi nya.

"A-ahh.. Ayos lang.. Pero mamaya nalang hapon, maglalaba pako ng damit." palusot ko.

"Sige." maikling sagot nya at iniwan na ako. Manonood ata ng TV.

Muli kong binuksan ang laptop ko at inalam ang kinaroroonan ng babaeng iyon.

Basta nasa around Manila lang sya. Mukhang mayaman din. Ano kaya ang trabaho nito?

Inisa isa ko ang mga pictures nya. Mukhang malapit lang dito sa condo namin based sa background. Di malabong magkita sila.

May nakita akong familiar na place based sa background nya. Pinindot ko ito at zinoom.

It gives me chills nang makita ko ang background na mukhang bahay nila. Alam ko to! Malapit lang talaga to sa Condo! Naging kliyente ko din to para sa bahay ng kanyang mama!


Habang nagwawashing ako ng mga damit ko ay napaisip ako kung ano ang maaaring mangyari kung wala ako dito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Inutusan ako ni Sir na samahan syang hanapin ang asawa nya pero eto ako ngayon, alam ko kung saan kami pupunta pero parang ayokong ipunta sya doon.

Sa tatlong araw nya na paninirahan sa lugar ko ay napamahal na rin ako sa kanya.

I've been living my life at my own since I graduated last year. I got my job and condo. I've got what I want without looking at the price tag. I was living simple and happy pero mula nang dumating sya sa buhay ko, lahat nagbago.

Everything was normal to me until he came into my life. My life become special.

Mula sa simpleng biro nya pati na rin sa mga gestures nyang mula pa sa panahon nya.. mula sa kanyang pagsasalita.. Everything become special.

Ibang iba pala ang paninirahan ng mag isa kaysa sa may kasama.

Inalis ko ang iniisip ko at nilagay na sa dryer ang damit ko. Kinuha ko na rin ang twalya at bihisan ko upang maligo.

Desidido na ako, ibabalik ko sya sa tunay na nagmamay ari sa kanya. Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon, siguro dahil sa pagtrato nya lang ito sa akin. Ayokong maging selfish. Ayokong makasira ng pamilya dahil lang sa kagustuhan kong manirahan sya sa akin. Ayokong lumaki ang anak nya nang walang ama.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Danilo sa akin habang nagmamaneho ako papunta sa may likod ng condo namin. Likod lang ng condo namin ang bahay na nakita ko sa picture ni Rebecca. Minsan na rin akong nakapunta doon para sa appointment kaya tanda ko pa.

"Hindi ba hahanapin natin si Rebecca?" tanong ko nang hindi sya nililingon.

Hindi ba hahanapin natin si Rebecca?

Hindi ba hahanapin natin si Rebecca?

Hindi ba hahanapin natin si Rebecca?

Why does it gives pain to my heart?

"Alam mo na ba kung nasaan sila?" usisa nya sa akin.

"Uhhmm.. Oo.." maikling tugon ko.

Nasa kanto na kami ng kalsada nina Rebecca nang itigil ko ang sasakyan.

"Bakit ka tumigil?" tanong nya. Mukhang nabitin ang kasiyahan at pananabik nya.

Shit, mukhang hindi ko yata kayang ibigay sya doon.

Dahan dahan kong pinaandar ang sasakyan. Titingnan ko kung nandun si Rebecca.

Kumunot ang noo nya nang mapansin nya ang mabagal na andar ng sasakyan.

"Bakit ka ganyan magpaandar? Nandito na ba tayo?" tanong nya.

"A-ahh.. tinitingnan ko kasi kung ito pa ba ang kalsadang yon, parang nalimot ako e." palusot ko.

Tumango nalang sya bilang pagsang ayon at nanatiling tahimik sa kanyang upuan.

Patawarin moko Danilo kung papatagalin muna kitang saglit sa bahay..

Patawarin moko Rebecca kung hindi ko muna ihahatid sayo si Danilo. Pahiram muna saglit.. Gusto ko pa syang makasama..

Binilisan kong konti ang andar ng kotse ko nang malapit na sa bahay nina Rebecca ang kotse ko. Pasimple kong sinulyapan ang labas ng bahay nila.

Nakita ko sya, dinuduyan ang anak nya sa labas ng terasa nila.

Pinaandar ko lang ang kotse hanggang sa makaabot kami sa kabilang kanto. Ihininto ko ang sasakyan.

"Bat ka tumigil? Dito na ba?" tanong nya sa akin at luminga linga.

"A-ahh.. Pwede bang umuwi na muna tayo? Biglang sumama ang pakiramdam ko." palusot ko at inikot ang sasakyan pabalik.

"Ayos kalang? Kaya mo pa magdrive?" nag aalalang tanong nya.

"Bibilisan ko nalang ang takbo para makapahinga na agad ako." sabi ko at pinaandar na ang sasakyan pabalik sa condo.

I took one last glance at Rebecca and her baby nang makadaan kami sa harap ng bahay nila.

And I realized that, Im so selfish at her.

30 Dias En El Siglo XXITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon