Kabanata 19

416 13 2
                                    

Trip nyo ba ang nangyayari dito sa kwentong ito? Kase ako parang hinde. Im not satisfied.

Danilo's POV

Biglang nag alab ang galit sa puso ko dahil kay Donna. Sinadya nya ba talagang hindi kami magkita?

Matagal na pala silang magkakilala. At ang masama pa, magkaibigan din na pala sila matagal na. Hindi nya man lang sinabi agad sakin.

Naalala ko ang 30 araw ko dito. Sayang na sayang dahil sa kanya.

Tinawagan ko si Rebecca upang bigyan pang linaw ang mga hinala ko. Maigi nalang sinagot nya.

Narinig ko pa ang mga pagsinghot nya. Siguro galing sya sa pag iyak.

"Ano, Danilo? Tapos na ba kayo?" malamig nyang tanong sa akin.

"Pasensya na, Rebecca. Hindi ko sinasadyang makasiping sya. Lasing ako!" paliwanag ko sa kanya.

"Masakit." maikling tugon nya pero ramdam na ramdam ko.

"M-matagal na pala kayong magkakilala ni Donna?" tanong ko.

"Matagal na matagal na. At hindi ko akalaing magagawa nya sa akin ito." wika nya na may sakit. Ang sakit ng bawat salita nya.

"Rebecca, wala syang--"

"Hanggang sa ganito ba namang sitwasyon, Danilo? Poprotektahan mo ang babaeng yan? Parang di kami importante ng anak mo sa iyo ha?"

Naiiyak ako sa galit habang nakatingin sa screen ng laptop nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Niluwa nito si Donna na malaanghel kung makangiti. Pero nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makita nya akong nagngingitngit sa galit.

"Anong nangyari sayo?" inosenteng tanong nya.

"Bat di mo sinabi sa akin na kilala mo si Rebecca?" galit na galit na sumbat ko sa kanya. Binaba ko ang telepono at hinarap sya.

Mukhang nanigas naman sya sa kanyang kinatatayuan. Namutla ang kanyang labi at tila nag iisip ng sasabihin.

"Bat di mo sinabi sa akin na kilala mo sya ha? Nagmukha akong tanga, Donna. Para akong tangang naghahanap sa wala. Akala ko ba tutulungan mo ako ha? Ganito na ba ang pagtulong ngayon? Di ko akalain na ikaw pala ang hahadlang sa akin!" sigaw ko sa kanya. Wala na akong pake kung masaktan ko sya.

"Magpapaliwanag ako, Danilo." mahinahon nyang sabi. "Nagawa ko lang naman yon dahil sa pagmamahal ko sayo."

"Estupida. Walang ganyang pag ibig!" sigaw ko sa kanya. "Sige nga, ipaliwanag mo sa akin yang lintek na nararamdamang mong yan!"

"Mahal kita, Danilo. Mahal ko ang lahat sayo. Hindi ko kayang mawala ka at maitsapwera ako kapag nakita mo na sina Rebecca kaya nagawa kong ilihim yon sayo!" paliwanag nya na may mugtong mga mata.

"Mahal moko? Bakit di mo ko hinayaang maging masaya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko kayang makitang masaya ka habang nasisira ako." maikling paliwanag nya.

"Pwes, hindi yan pagmamahal. Pagiging makasarili yan." sabi ko at nilagpasan sya.

"Danilo, wag mo kong iwan." pagmamakaawa nya.

"Donna, kahit pagbalik baliktarin man ang mundo, na kay Rebecca ang puso ko. Hinding hindi ko kayang suklian ka at mahalin. Hanggang kaibigan lang tayo. Pero dahil sa sekreto mo? Salamat sa mga naitulong mo pero magkakilala na lang tayo." sabi ko at sinarado ang pinto.

30 Dias En El Siglo XXITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon