Kabanata 17

348 10 1
                                    


Danilo's POV

Naiinis ako sa sarili ko. Ang kupal ko. Bat ko sinaktan si Rebecca! Nagamit ko pa si Donna!

Naiinis din ako kay Donna. Ewan ko kung bakit. Kaya nilayasan ko muna sya at tumambay sa kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko na bigay ni Donna at kinalikot ito. Tinext ko si Rebecca.

"Rebecca, pwede ba tayong mag usap? Magpapaliwanag ako."

"Rebecca, sumagot ka naman pabalik."

"Rebecca, pakiusap. Mag usap tayo."

Napabuntong hininga nalang ako. Nahiga ako sa kama. Malamang, sinusumpa na ako ni Rebecca ngayon.

Habang nag iisip isip ako ay biglang sumagi sa akin ang nangyari kanina bago dumating si Rebecca.

Nagawa ko ba talaga yon? Puta.

Umiling iling nalang ako at kinalikot ulit ang cellphone ko. Call at message lang ang nagagamit ko dito sa cellphone nito pero madami itong mga gamit. May facebook, messenger, instagram, twitter at kung ano ano pa. Talagang nakakahanga na ang teknolohiya ngayon. Nakatagalog ngayon ang cellphone na ito kaya naiintindihan ko ang sinasabi nito.

Pinindot ko ang facebook.

Log in or Gumawa ng account?

Pinindot ko ang pangalawa.

Pangalan: Louis Danielo Despujol
Kaarawan: Hulyo 7...

Walang 1871 kaya 2000 nalang ang nilagay ko.

Kasarian: Lalaki.

Email o Numero: 639********

Password: *************

Pagkatapos ko ilagay ang mga impormasyon doon ay lumabas sa cellphone ko ang mga 'icon'. Pinag aralan ko ang mga iyon.

Binago ko ang lenggwahe sa facebook ko. Ginawa ko itong Filipino. Pagkatapos ay pinindot ko ang 'searchbar' doon at nilagay ang pangalan ni Rebecca.

Maraming lumabas na Rebecca doon. Hindi naman ako nalito dahil nangunguna ang account ni Rebecca.

Nag iwan ako ng mensahe kay Rebecca. Dinagdag ko na rin sya bilang kaibigan.

Habang sinasaulo ko ang mga bagay sa facebook ay naisip kong hanapin din ang facebook ni Donna.

Nang makita ko ang account ni Donna ay natigilan ako.

Bat di nya man lang sinabi sa akin? Matagal na ba nyang kilala si Rebecca? Bat hindi nya sinasabi sa akin.

Sya namang nalowbat ang cellphone ko at nagshutdown. 

30 Dias En El Siglo XXITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon