Kabanata 16

353 9 0
                                    

A/N: 5 chapters to go. Keep supporting :)

Napagdesisyunan kong bumangon na at magbihis. Siguro babalik naman si Danilo maya maya. Inayos ko na ang higaan nya bago magtungo sa kusina.

Nagluluto ako nang sinangag nang bumalik sya sa condo. Naupo sya sa dining table at uminom ng tubig. He was catching his breath. Tila gulong gulo na sya sa kanyang gagawin.

"Naabutan mo ba sya?" pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan.

"Hindi e. Nakasakay na agad sya sa taxi." sabi nya. "Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang mas masakit ang nakita nya kaysa sa nakita ko."

Kinatok ako ng konsensya pero pilit ko tong pinagtutulakan palabas.

"Sorry, Danilo ha? Dahil sakin, lalong lumala ang sitwasyon." sabi ko.

"Hindi. Wag mong sisihin ang sarili mo, Donna. Wala kanang ibang ginawa kundi asikasuhin ako. Ako ang may kasalanan. Iresponsable ako." sabi nya at hinilamos ang mga kamay sa mukha.

"Pasensya kana talaga ha? Hindi ako nakapagkontrol kagabi, nalasing din ako e." sabi ko pa.

Hindi sya umimik.

"Pasensya na talaga." sabi ko pa.

"Huwag mong isipin yon, akong bahala kay Rebecca." paliwanag nya.

"Pasensya na talaga.." kunwari nagsisisi ako.

"Hayaan mo na sabi e. Hindi nakakatulong sa sitwasyon!" sigaw nya na ikinagulat ko. "Pasensya na." paumanhin nya.

"Pero isa lang ang masasabi ko, Donna. Kung meron mang mabuo ay hindi ko mapapanindigan. Ilang araw nalang ang pananatili ko dito." sabi nya at umalis.

30 Dias En El Siglo XXITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon