Chapter 8: Beautiful Goodbye

22.1K 324 62
                                    

CHAPTER 8: BEAUTIFUL GOODBYE

 

 

 

 

 

KIM’S POV

“What do you do when someone stops loving you? Well, you cry a little and then you wait for the sun to come out. It always does. So stop wasting your tears for someone who don’t deserve it.” I hear him say. Hindi ko nalang pinansin. Tumagos eh.

“Mahal mo pala eh, bakit mo iniwan?” Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng panyo. Pano kaya ako nahanap nito?

“Hindi na niya ako mahal.” I said, fighting the urge to cry. Hindi na ako iiyak. Ayoko nang umiyak. Sawa na akong umiyak.

“Ikaw lang nagsasabi niyan. Mahal ka nun.” Sabi niya. Inabutan niya ako ng bote ng beer pero di ko tinanggap. Bawal sa akin yun. “KJ.”

I smiled. “Pano mo naman nasabing mahal ako ni Terrence?”

“Lalaki ako. I should know.” Sagot niya.

“Anong sagot yan?! Porke’t lalaki, alam na agad?! Haha!”

 

“Eh di ngumiti ka din. Mahal ka nun Kim, yun nga lang, may mas lumamang sa pagmamahal niya sa’yo. Wag ka na umiyak jan. Ikaw nakipagbreak tapos iiyak ka. Labo mo! Tss.” Sabi niya. Binatukan ko nga. Akala mo di nakakasakit ng damdamin eh.

“Alam ko. Ano bang ginagawa mo dito?! Lumayas ka nga. Di ka welcome dito!” I yelled. He don’t have to rub it into my face. Alam ko naman eh.

“Baka kasi maglaslas ka. Mabawasan pa ung lahi natin. Alam mo naman, endagered species na mga tulad nating gwapo at maganda. Hahaha!” Sabi niya. May pagkamayabang talaga 'tong lalaking 'to.

“Ewan ko sa'yo Mark. Lumayas ka na nga dito.” Sagot ko. Gusto ko nalang matulog.

Baka bukas, sa susunod na araw, sa susunod na linggo, sa susunod na buwan, sa susunod na taon, wala na ung sakit na nararamdaman ko ngayon.

 

“Hay. Sige na aalis na.” Tumayo na siya at pinulot ung bote ng beer. Tiningan pa niya ako at sinabing, “Basta pinsan ah? Nasa condo lang ako kapag kailangan mo ng kausap. Di naman kita iiwan eh. Tsaka, wag kang maglalaslas!” Sabay takbo paalis ng kwarto ko.

Baliw talaga yung pinsan kong 'yun. =___=

Oo nga pala, yun si Mark. Siya yung nagpanggap na bago kong boyfriend nung nakipagbreak ako kay Terrence. Nung una, ayaw pa niyang pumayag kasi ang tanga ko daw, mahal ko tapos makikipagbreak ako, sinasaktan ko lang daw sarili ko. Pero matapos ang ilang oras na iyakan, napapayag ko din siya.

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now