Chapter 23: Trouble.. Un-trouble

7K 131 8
                                    

Chapter 23

Few days after the 'Brian-said-he-likes-me' scenario, things seems to be normal. Well, para sa akin normal lang. Hindi ko masyadong dinibdib yung sinabi niya. I have no time for things like this. Nandito ako sa Cebu to straighten up my life, not to repeat the mistake I have done before. At hindi ko un magagawa kung maiinlove lang ulit ako.

I like Brian though, as a friend nga lang. Hindi ko siya nakikita na more than that..

Medyo aligaga na din sa opisina. Lumalabas yung pagiging beast ni Brian sa pagttrabaho dahil sa nalalapit na vacation dahil malapit na din ang Pasko.

Yup! Almost December na. And sabi ni Lorraine, na matagal nang nagwowork dito, two weeks daw ang bakasyon dito. Ganun na daw ang nakasanayan ever since na Lolo palang ni Brian ang may hawak ng D.V.B. Corporation (short for Dela Vega-Bautista Corporation).

Pero kahit busy kami, hindi pa din nakakalimot si Brian. He always dropped by my cubicle and greet me.

Nung una, laking pagtataka ng mga ka-officemate ko kung bakit ganun ang nangyayari. Like, Brian's the big boss then suddenly nakikipag-mingle siya sa mga employee. Not that its a bad thing pero diba, hindi naman normal yung ganun?

Lorraine was the first one to know. And maybe siya na din ang nakipag-chikahan sa iba pa naming ka-work. For the first two days na pagddrop by ni Brian sa desk ko, she kept her mouth shut. Kaya nung bigla nalang niya akong nacorner the next day, binomba niya ako ng mga tanong at hindi ako tinigilan hangga't wala siyang nakukuhang sagot.

“So ano nang status niyo ni Sir?” Lorraine asked emphasizing on the word Sir.

Break time namin ngayon. Kakadaan lang ng secretary ni Brian to give me a packed lunch. May post-it pang nakadikit indicating na galing nga kay Brian yun. Nagpasalamat nalang kay Erin. Nakakahiya sa kanya. Nautusan pang magdeliver ni Brian.

“Wala, friends.” I answered her then continue eating what Brian had packed for me.

“Asus! Friends mo mukha mo.” Lorraine shouted. I hissed at her. Buti nalang kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa taas. Yung iba naming kaoffice mate nasa canteen.

“Alam mo ikaw, nagtatanong tapos kapag sinagot ko naman hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.” Inis na sabi ko. Pero tinawanan lang niya ako.

“Ay nako Ciara. Di mo ko madadaan sa ganyan ganyan mo no.” Uminom muna siya ng tubig bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Di pa nga tayo ganun katagal magkakilala but being your first friend here, alam ko na ung mga paganyan ganyan mo. Spill na kasi.”

I sighed. Kahit kailan makulit tong si Lorraine.

“Wala nga kasi.” I reasoned out. “Hindi naman kasi kami nagkikita after office hours. Dito lang talaga. Nauuna akong umuwi sa kanya diba? At ayoko rin namang magpahatid kung sakali man na sabay kaming uuwi. Nakakahiya yun noh. Di rin naman niya ako dinadalaw sa pent house.”

Isang beses palang din naman akong dinadalaw ni Brian sa pent house. Yun lang ung may sakit ako. Matapos un, wala nang kasunod. Palagi nalang kami dito sa opisina nagkikita.

“Ay ang hina naman ni Sir.” Sambukol na sagot ni Lorraine sa akin.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagkain. Hindi na rin siya umimik matapos nun.

Matapos ang ilang minuto, nagsidatingan na ung mga kaopisina namin. Tapos na rin kaming kumain ni Lorraine. Bumalik na ako sa cubicle ko dahil umpisa na naman ng trabaho.

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now