Chapter 11: Standing In Front Of You

20K 301 63
                                    

A/N:

Teka muna! Author's note muna. BAHAHAHA! 12:00AM na to mapopost. October 25, 2012. HAHAHA. Anyway, naggala kami nina prettychq18, pilosopotasy, seeyara and Ate Star! Kalurks! Nahihiya pa ako sa kanila eh! Pano ba naman, minsan lang magkita! Pero shempre joke lang yon! Asusual, ako na naman ang dakilang maingay at madaldal. HAHAHAHA!

Tapos, huhu. Ang daming bagong books sa Fully Booked. </3 Nakakalungkot kasi wala akong pambili!

So ayun, nagkwento lang! BTW, kung may twitter kayo at nagttweet kayo about this, tag niyo ng #TBSL. Wag na ung buong title, haba eh! Okie?!

Follow niyo na din ako. :P @iraromina HAHAHA. Love love guys. <3

PS. Andito na inaantay niyo. Inspired by A SECRET AFFAIR. HAHAHAHA.

-----

CHAPTER 11: STANDING IN FRONT OF YOU

Gusto ko silang batuhin ng kinakain kong french fries ngayon. Para kasing may dumadaloy na kuryente sa magkabilang gilid ko. Mamaya maging toasted na ko sa sobrang init ng pagtingin nila sa isa’t isa.

 

“Tama na nga yan! Hoy RR! Samahan mo nga ako sa TAMbayan!” Tumayo ako at hinila ko na si RR palabas ng KFC. “At wag kayong susunod na dalawa!” Turo ko kina Terrence at Brian.

“Pero C, bat mo isasama yang so RR?!”

“Ciara naman! Bat pati ako?!”

Hindi ko na sila pinakinggan at tuluy-tuloy na lumabas ng KFC.

“Wow! Ikaw ang boss.” At tinawanan niya ako.

 

“Tseh! Bakit ba naging ganito ang nangyare?!” Maktol ko sa kanya.

Inakbayan naman niya ako, at naglakad na kami papuntang TAMbayan.

“Ganyan talaga. Nabulag sa pag-ibig eh.” Sabi niya. Siniko ko siya sa tagiliran. “Aray!”

“So sinasabi mo na panget ako?!” Sigaw ko sa kanya. Naglakad ako pauna sa kanya.

 

“Hindi Ciay. Ang sinasabi ko lang, magpagupit ka na ng buhok mo at masyadong nang mahaba. Baka natatapakan na yan ng girlfriend ko. Hahahah!” Sagot niya at tumakbo papuntang TAMbayan bago ko pa mabatukan.

Hay nako naman kasi. Isang araw palang ang lumilipas, may panibagong problema na naman!

Si Terrence at Brian!

Ang sarap nilang pagumpugin eh! Kanina pa silang dalawa pagtapak na pagtapak ko palang sa may entrance.

Bigla nalang kasing may umakbay sa akin kanina. Well, alam ko namang si Terrence ung gagawa nun, ang kaso, sa bawat madadaanan naming babae sa loob eh inaabutan ako ng rosas.

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now