Ilang minuto nalang ang natitira bago mag alas kwatro. Nandito pa rin ako sa condo ko at naglilinis. Walang katapusang linis.
"I'm so tired!" Sigaw ko, wala naman sigurong makakarinig non. Medyo malaki yung condo ko eh.
Nakaconnect yung laptop ko sa tv, nanood kasi ako ng netflix kanina eh. Mga panahong 'di ko pa naisipang mag linis.
Bigla namang may nagpop-up sa screen nito. Nagrerequest ng video-call sila mommy at daddy. Agad naman akong dumiretso sa banyo at naghilamos. Baka mag-alala sila mommy. Ayaw kasi nila akong palinisin lalo na kapag may mga dust kasi allergy ako don. Tinanggap ko naman yung tawag.
"Hi Mom and Dad, nice to see you again!" I exclaimed.
"Melody! My daughter! Mommy misses you so so much!" Sabi ni Mommy.
"Hi anak! Miss ka na namin ng mommy mo" Sabi naman ni Dad.
"Weh? Miss agad? Nagkita naman tayo last last week ah" sabi ko at tumawa.
"Baka pupunta kami diyan next month, diyan tayo magcecelebrate ng birthday ko" Sabi ni mom at ngumiti.
"Talaga mommy?" Tanong ko at tumingin sa kanilang dalawa.
"Yes! Bibisitahin ka namin diyan. Papakilala mo na rin sa amin yung boyfriend mo!" Sabi ni Dad at tumawa
"Dad, Wala akong boyfriend 'no" sabi ko at tumawa na rin.
"At bawal pa, baby ka pa Melody ha 'di pa pwede 'yan" sabi ni Mommy.
"Kahit gwapo pa 'yung magiging boyfriend ko mom?" Tanong ko sa kaniya.
"Pwede na 'yon hehe" sabi ni Mommy.
"Hayaan mo na 'tong mommy mo. 'Di bale sasabihan ka nalang namin kung kailan kami bibisita diyan ah!" Sabi ni dad at nagpaalam na.
4:17 pm
Anlaaaaa. 4pm na pala.
Agad naman akong nagbihis at lumabas na ng unit.
"Hindi ko pala alam kung saan siya nakatira aish!" Sabi ko sa sarili ko.
Tiningnan ko naman yung phone ko, nakalimutan nga niyang magbigay ng address. 'Di bale! Tatawagan ko nalang si Dongpyo.
.
..
...
....
.....Hindi rin sumasagot! Bahala na! Sa school nalang ako hihintay.
Pagkalabas ko naman ng building ay may narinig akong sigaw.
"MELODY!"
Nilingon ko naman yung sumigaw. Salamat at nandito si Mingyu. Nilapitan ko naman siya.
"Buti nalang at nandito ka, hindi ko kasi alam saan address mo eh." Sabi ko.
"Sorry nakalimutan ko kasi" sabi niya at tiningnan yung building.
"Dito ka nakatira? Mahal dito diba?" Tanong niya at tumingin sa akin.
"Uhm, oo dito nga" sabi ko.
"Ah! Since nandito ka naman, dito nalang kaya tayo gumawa?" Tanong ko. "Kung okay lang?" Dagdag ko pa.
"Oo, okay lang. Kaya nga ako nandito eh kasi hindi daw pwede sa bahay. May bisita raw sila mama" sabi niya at sumabay na sa'kin.
Naging akward naman hanggang sa nakapasok kami sa unit ko.
"Ang ganda naman pala! Worth it siguro yung bayad ano?" Tanong niya.
"Oo. Sobra. Pero nakakalungkot lang dahil ako lang isa. Nakakatakot din at the same time" sabi ko. "Buti nalang at nakapaglinis pa ako" dagdag ko.
"Siguro ang bayad dito allowance ko for 5 years" sabi niya at tumawa tiningnan ko lang siya.
"Don't Worry Minkyu, magiging successful ka rin soon, trust me" sabi ko at ngumiti. Tumango naman siya.
"At para maging successful ako, simulan na naten? Ayokong mabagsak eh hahaha" sabi niya at nauna na sa pag gawa ng project.
"Hays,,,"

BINABASA MO ANG
brilliant | Kim Mingyu
Fanfiction❝boy, you're brilliant!❞ ↠In which Kim Mingyu confidently competes with his fellow classmates but ended up being the last placer, sacrificing his own rank for the girl he loves. ↻Epistolary + narration ↻produxe series ➀ S: 072319 E:...