3 4 | Mingyu's

231 5 0
                                    

Katatapos lang ng klase namin pero may kailangan pa akong aasikasuhin. Dumaan muna ako sa office naming mga officers.

"Wow! Ang busy ah!" Biglang singit ni Yugii bago pa man ako makapasok sa office.

"Syempre, Ako yung president eh, hindi naman pwedeng nakatunganga lang ako diba?" Tanong ko at tuluyan nang pumasok.

"Hala? Hindi mo na ako pinapansin ah?" Tanong niya. Nakakairita naman 'tong babaeng 'to. Kung 'di lang talaga 'to babae baka ano pa nagawa ko dito.

"Nagmamadali kasi ako" sabi ko.

"Gala kaya tayo?" Tanong niya at pumasok.

"Oops! Bawal pumasok dito! Officers lang pwede!" Sigaw ni Yohan hyung at ngumiti sa akin. Hays! Thankyou talaga hyung.

"Tsaka marami pang gagawin si Mingyu, kaya huwag mo na siya isama sa mga gala mo, huwag mo na rin siyang ayain pa" sabi ni Wooseok hyung.

"Lagot ka sa Girlfriend niyan!" Sigaw ni Dongpyo. Nanlaki naman ang mga mata ko. Anong pinagsasabi neto?

"Kaya nga! Kaya kung pwede ba? Umalis ka na?!" Sigaw ni Ilythia noona.

"Aba! Bakit si Melody pwedeng pumasok rito? Eh hindi naman siya officer" tanong ni Yugii.

"Alam mo? Andami mong tanong. Mabuti pa, umalis ka nalang please. Disturbo ka lang" sabi naman ni Yranna noona. Umalis naman si Yugii, halatang naiirita.

"Salamat nga pala mga hyung and noona" sabi ko at nag bow.

"Wala iyon! Bunso ka namin eh!" Sabi ni Wooseok.

"May date ka diba? Naghihintay kasi si Melody sa labas. Huwag mo paghintayin 'yong tao." Sabi ni Yranna noona at ngumiti.

"Pero....."

"Kami na bahala diyan!" Sabi ni Yohan hyung. Nag-bow ulit ako.

"Thankyouuuu mauuna na po ako!" Sigaw ko at umalis.

"Enjoy!" Sigaw pa nila. Pagkalabas ko naman ay nakita ko si Melody na nakatayo, nakatingin sa phone niya.

"Wooh!" Pangugulat ko sa kaniya. Napasigaw naman siya at aksidenteng naihagis ang phone niya.

"Cute" bulong ko, pero napalakas ata.

"Anong cute? Nagulat na nga cute parin!" Sabi niya sabay hampas.

"Tara na!" Sabi ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Sabay naming tanong. Tumawa naman kami.

"Ikaw bahala" sabi niya.

"Ah! Alam ko na!" Sabi ko. hinila ko naman siya at tumakbo na.

"Mingyu! T-teka lang! Baka madapa tayo!" Sigaw niya.

"Nandito na tayo!" Sabi ko at tumigil na sa pagtatakbo.

"Ba't mo'ko dinala rito?" Tanong niya. Umupo naman siya at inaya na rin akong umupo.

"Kasi, ito yung fave place ko. Kapag natutuwa ako, dito ako pumupunta. Kapag nalulungkot ako, dito ako nagpapahinga." sabi ko.

"Ahhh"

"Dito ko rin dadalhin yung liligawan ko" sabi ko at ngumiti.

"Ang swerte naman ng liligawan mo." Sabi niya at tumingin sa akin.

"Paano mo naman nasabi 'yon?" Tanong ko.

"Lakas mo naman maka Boyfriend material. Matalino, Mabait, Masipag, magalang at family-orriented pa. All in one ganern?" Sabi niya at ngumiti naman ako at tinitigan siya.

"Kaya nga ang swerte mo eh!"

brilliant | Kim MingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon