"Ui! Sino yung kachat mo? Focus ka muna sa akin pleaseee" sabi ni Mingyu habang pilit na kinukuha yung phone ko.
"Si Yugii lang naman 'to, may sinabi lang naman siya" sabi ko at itinago na ang phone.
"May sinabi ba siyang masama?" Tanong niya. Umiling naman ako.
Nasa mall nga pala kami ngayon at kumakain sa favorite sushi restaurant niya.
"Nakita ko yung convo niyo ni Soobin hyung" panimula niya. Tinitigan ko naman siya.
"Tama nga kutob ko, may gusto siya sa'yo" sabi niya at ngumiti.
"Ang ganda mo talaga, marami kaming nagkakagusto sa'yo" sabi niya at kinurot ang pisngi ko.
"Aray gyu!" Sabi ko at inilayo ang kamay niya sa pisngi ko.
"Pero sumuko naman siya kaya okay lang, hindi na dapat ako mag-alala hehe" sabi niya pa.
"Gyu"
"Po?"
"Pupunta rito yung parents ko galing Australia para makipagmeet sa totoo kong parents. Gusto mo sumama sa dinner?" Tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Eh? Bakit ako sasama, kaano-ano mo ba ako?" Tanong niya.
"Boyfriend" bulong ko, napalakas yata eh mukhang narinig niya.
"B-boyfriend? Sinasagot mo na ba ako?" Tanong niya. Tumango naman ako. Napatayo naman siya at tumalon-talon.
"Gyu! Umupo ka nga, pinagtitinginan ka ng mga tao oh!" Sabi ko.
"Wala akong pake basta napakasaya ko ngayon" sabi niya pa.
"Pakilala mo ako sa parents mo ha! Kilala ka naman ng parents ko eh, boto nga sila sa'yo" sabi niya at umupo na.
"Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo" sabi niya at ngumiti. Hinalikan niya naman ang pisngi ko.
"Thankyou babe" sabi niya pa. Bwiset! Namumula na yata ako.
"Basta sasama ka ah?" tanong ko. Tumango naman siya
"I love you baby ko"
"I love you too Gyu"
BINABASA MO ANG
brilliant | Kim Mingyu
Fanfic❝boy, you're brilliant!❞ ↠In which Kim Mingyu confidently competes with his fellow classmates but ended up being the last placer, sacrificing his own rank for the girl he loves. ↻Epistolary + narration ↻produxe series ➀ S: 072319 E:...