Ang Kalungkutan ay Sumasaiyo (Sa Kolaborasyon ni Karen Ann Gatbunton)

74 2 0
                                    

Bumabangon pa siya,
Ngunit wala na yung dating mukha na nakangiting hahawak sa telepono sa tuwing kakausapin ka,
Agad na siyang tatayo at hahayaang makalat ang kanyang kwarto,
Saka lang siya maliligo,
Matapos ang lahat ng palabas sa kanyang utak,
Kahit umabot pa ng ilang oras na siyang tutunganga niya lang sa harap ng hapag kainan,
Hanggang sa mabusog na ang kanyang tyan, kakaisip araw araw,
Nagsilbi nang agahan, tanghalian, merienda, hapunan, hanggang sa makatulog ulit siya ng may lungkot kinagabihan,
Bumabangon pa siya,
Ngunit wala nang tamis ang mga ngiting bubungad sa iyong umaga,
Di makabasag pinggang gagawin ang mga bago nyang nakasanayan,
Hindi ka nya sasagutin sa lahat ng palayaw na itatawag mo,
Ni hindi kikibong lilingon sa'yo't magkukwento ng kung anong balak sa nalalapit niyang kaarawan,
At mas pinili niyang lumayo,

"Ang kalungkutan ay tuluyan nang sumaiyo!"

"Ang kalungkutan ay muntik nang sumaiyo..."

Alam kong hindi siya yung taong magpapasaklob ng tuluyan sa poot,
Alam kong babangon pa rin siya bukas ng umaga,
Babatiin ka niya, at nakangiti nang sobrang ganda.
Tatayo at aayusin ang magulong kama.
Saka siya maliligo at aayusin ang sarili na di na magugulo,
Muling maglalakbay ang imahinasyon sa bawat sulok ng mundo,
Bubuuin ang ganda nito sa kabila ng pagtulala at pagninilay sa katahimikan,
Ang tanging bubusugin nya ay ang kaniyang kaluluwang hindi mo dapat kaligtaan,
Magsisilbing agahan ang tatag ng kalooban,
Tanghalian ang bitbit na katotohanan,
Merienda ang tamis ng kasiyahan,
At hapunan ang pusong may kalinawan.
Hanggang sa makatulog siya nang walang bigat na nararamdaman,
Kasabay nang pagpatay niya sa ilaw na may dalang kaliwanagan,
ay ang paglaho ng lungkot sa kadiliman.

Bumangon ka para sa sarili mo,
Ang panibagong pag-asa ay sumasaiyo.

HilomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon