ONE SHOT STORIES 1

65 3 0
                                    

TITLE: Buntis
GENRE: Comedy

Ang saya tingnan na kumpleto ang aking pamilya, nagtatawanan, naghaharutan at naglalambingan. Di man kami sobrang yaman, marangal naman ang trabaho ng aking magulang at sapat na ito para mabigyan kami ng magandang kinabukasan.

Ako si Aleia, 18 na taong gulang. Simple lang ang aming pamumuhay ngunit puno naman ng saya at pagmamahalan. Ako ang panganay ngunit parang ako ang labis na magbibigay ng problema sa aking magulang.

"Ma, pa... may gusto sana akong sabihin sa inyo." Malungkot at nakayuko kong sabi.

"Ano yun anak? Sabihin mo na. Nanood pa kami ng Avengers." Sabi ni papa habang ang kanyang mata ay nasa telebisyon pa rin.

"Ma, pa... buntis po ako". Malungkot kong sabi. " Ma, pa... pananagutan naman daw po ako. Huwag kayong mag-alala ma,pa mag-aaral pa rin ako."

"Anak, wag mo nga kami biruin." Malumanay na sagot ni mama.

"Ma, hindi po ako nagloloko... totoo po na buntis ako." Sabi ko muli.

"Ganun ba anak?... "Sagot ni mama. "Huwag kang mag-alala hindi ako nagagalit. Biyaya yan ng maykapal kaya dapat tanggapin. Ano pa bang magagawa natin ei apo ko din naman iyan at nandyan na ei..." sagot ni papa.

"Salamat mama, papa at tinanggap nyo pa din ako. Huhuhuhu" iyak ko at sabay yakap ko sa aking magulang.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA!!!!" Malakas na tawa ng kapatid kong kambal na 16 years old.

Epal naman tong kambal...  " bakit kayo tumatawa? Kita nyong nag-iiyakan kami dito!" Sabi ko na naiinis.

"Kayo kasi ei! Laughtrip kayo ei" sabi nung babae na kambal.

"Oo nga! Galing nyo pa umarte ei! Buntis daw ei lalake ka nga!" Sabi nung lalake na kamabal.

"Pano ka nun mabubuntis kuya ALLEIANDER JOSE VALDEZ aka KUYA ALEIA? Hahahahah!!!"

Saka lamang bumalik ang utak ko sa realidad. Lalake nga pala ako. Nagpapraktis pala ako ng play namen sa theater kaso parang hindi yung line ko yung  nakabisado ko? Hmmm?

MY RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now