TITLE: My Parents once said...
I wanna share this because i want to inspire and i want to give hope to others. This is true.
"Mag-aral ng mabuti." Study first. Education is one thing you could treasure forever. Ang edukasyon ay kailanma'y di mananakaw ninuman. Yan ang isa sa mga line nila mama at papa. Ayaw daw kase nila na maranasan namin yung mga naranasan nila dahil hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral. Mahirap daw ang buhay na walang pinag-aralan.
"Huwag ka muna magboyfriend..."Love? Boyfriend? Isantabi muna yan. Meron naman akong natatanggap na love galing sa pamilya at kaibigan ko. Kuntento na ako sa mga crush ko bilang inspirasyon ko. Kung di ako crush ng crush ko, edi wag. Pero kung crush ako ng crush ko, edi wow. Feeling ko kase madidistract ako kapag may jowa. Sabi din nila papa, kapag maganda na ang buhay ko balang araw, lalaki pa daw ang lalapit sa kin. Hindi naman ako nagagalit sa kanila dahil ayaw nila ako pagboyfriendin kase alam ko naman na ayaw at takot lang sila na baka mabuntis ng maaga.
"Pumili ka ng kursong gusto mo, huwag yung bumabase ka sa gusto namin... hindi naman kami ang gagawa ng desisyon sa buhay mo, ikaw, kase buhay mo yan" Yan yung sinabi ni mama nung tinanong ko sya kung ano ba ang kursong gusto nya para sakin. Pinagalitan pa nga ako ni mama kase ang tanda tanda ko na daw pero wala pa rin akong pangarap sa buhay. Kaya ko lang naman tinanong sya para mahingi yung opinion nya eh. Andami ko kayang pangarap kaya wala akong mapili. Gusto ko kase yung pag nagtrabaho ako, malaki yung sahod ko para di na kami maghirap.
"Nak, matalino ka, maganda... kaya wag ka mahihiya sa sarili mo." Sabi yan ni papa. Yan na siguro yung pinakamagandang sinabi ni papa sakin. Kase hindi showy si papa, tuwing lasing lang sya showy. Sa panahon daw kase ngayon, aanhin mo yang talino at itsura kung hindi naman makapal mukha mo. Daig ng madiskarte ang matalino.
Hindi man sila perpektomg magulang pero para sakin sapat na ang pagmamahal at suporta na ibinibigay nila sakin. Dahil sa mga sinabi nila mama at papa, mas naging pursigido ako mag-aral at huwag na magjowa hahaha. Oo nga naman, lalaki ang lalapit sayo kapag natupad mo na at may ipagmamalaki ka na sa buhay. Hindi kami mayaman. Kaya ramdam ko ang hirap kahit papaano.
Gusto ko makapag-aral sa magagandang eskwelahan o di kaya sa ibang bansa hehehe. Tapos makapaghanap ng maganda at malaking sweldo na trabaho. Para lahat ng gusto ko magagawa ko sa buhay. Gusto ko matupad ang lahat ng mga pangarap ko. Hanggang crush lang dapat hahaha. Know your limits. Wala naman akong mapapala sa jowa na yan eh. Sakit lang sa ulo yan at puso. Gusto ko magkaroon ng boyfriend sa tamang edad. Gusto ko pag kinasal ako engrande. Tapos mapupunta ko sila mama at papa sa ibat ibang lugar.❤
Titignan ko to tuwing nawawalan na ko ng pag-asa at tinatamad sa buhay. Life is a gift of god so we need to treasure it until were alive. Do what you want because you only live once. Love what you have. Dont make challenges to win against you. Remember! Life always have challenges and sacrifices. But its up to you if you want to fight or to just lose. Always fight! God is always with us. Challenge is just a challenge. But we are people made of god. And god is always with us👆❤
YOU ARE READING
MY RANDOM THOUGHTS
RandomMAHALAGANG PAALALA!👀 ang content po nito ay mga quotes, mga memorable, sarcastic and sad lines and funny scenes from different stories.💙these also have one shots stories made by me. Hope you all support me. And i hope you will love this.