CHAPTER 1.1

1.9K 54 1
                                    

Two years na kaming magkaibigan. Ganon katagal ko na rin syang lihim na minamahal. Bukod kasi sa maganda napaka sweet din nyang tao. Kahit gaano sya kaabala gumagawa parin sya ng paraan para makapagdate este makapagbonding kami.

Pero hindi rin pala biro ang magmahal sa isang artista. Pakiramdam ko isa syang star apple sa bakuran ng kapitbahay na napakahirap sungkitin mula sa bintana namin.

Kaliwa't kanang endorsements. Sunud-sunod na tv and movie projects. Isama mo pa ang sandamukal na mga fans na laging nakabantay sa bawat kilos nya. At ang pinaka nakakaasar sa lahat yung mga hindi magkandarapang ungas nyang suitors. Lalo na yung ex nyang si Gab na lamang lang naman ng ilang paligo sakin .

Alam kong kaibigan lang ang turing nya sakin pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw mapapansin nya rin ako. Magugustuhan, bilang ako.

"Hala!" tumigil sya sa kalagitnaan ng pagdadrama at paglilinis ng bahay ng mapadaan sa isang salamin na nakasabit sa may bintana nila.

"Ba't ganon, sobrang, gwapo ko naman." tila sobrang elib na sabi niya habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin.

Hindi pa nakuntento at animo'y siga na itinaas papuntang balikat ang manggas ng suot nyang oversized Tshirt at mala Johny Bravong pinalabas ang mga muscles. Naka messy bun ang buhok nya na nakatago sa suot nyang pulang sombrero. Nakaitim syang Tshirt na pinartneran ng camouflage shorts na hanggang tuhod ang haba.

Mukha naman talaga syang magandang lalaki kapag nakatali ang buhok lalo na't kinapos sya sa dibdib. Isang bagay na frustrations ng ilang kababaihan na naging asset naman para sa kanya.

Alam din nya ang limitasyon pagdating sa isang relasyon. Puro kiss sabay hug at HHWW lang sya. Hello bente anyos lang sya. Enjoy lang ang buhay.

"Anung ginagawa mo ate?" biglang sumulpot sa tabi nya ang nakababatang kapatid na si Buboy.

Napakunot-noo sya.

"KUYA." pagtatama nya sa walong taong gulang na kapatid.

"- ilang beses ko bang uulitin sayo bunso. KUYA mo ko. KU-YA"

"Pero babae ka KUYA" napakunot-noo ito

"- ibig sabihin, b-bakla ka??"nanlalaki ang mata nito

Natatawang ginulo ng dalaga ang buhok ng kapatid.

"Mahirap ipaliwanag bunso , basta ang importante mahalaga"

"huh?"

"Ang mabuti pa tuturuan nalang kita ng mga da moves sa chics para naman mapormahan mo na yung kalaro mong si Fati- " bigla syang napahawak sa ulo nya.

"CHARLOTA LUISA !!" malakas na sigaw ng nanay nila, mga nasa edad 45

"Ano nanamang kalokohan ang itinuturo mo sa kapatid mo?"

"Seryoso Ma, pinukpok nyo ko ng kawaling puno ng mantika?"

"Tama lang yan para matauhan ka. Isa kang BABAE Charlotte . Sinasayang mo lang ang ganda mo sa ginagawa mong yan. Eh kung sinisimulan mo na kayang maghanap ng mapapangasawa para naman magkaapo na ko?!!"

Napabuntong hininga si Charlie. Bigla nyang naalala nung minsang pilitin sya ng ina na makipagdate sa anak ng kumare nito na ubod ng yabang.

"Hi, ikaw pala si Charlotte?"

"Charlie" pagtatama nya

"I'm Enzo"

"Alam ko"

"Talaga ? Sabagay sa gwapo kong 'to, walang hindi makakakilala sakin sa lugar natin"

"Grabe sobrang hangin talaga dito" pagpaparinig nya

"Mahangin? Hindi kaya ang init nga eh"

"Mahangin na nga ang slow pa" naaasar na bulong nya.

"Teka hukay ka ba?"

"Bakit?" walang ganang tanong ni Charlie

"Kasi parang gusto kong mahulog ng todo sayo e"

Puro kayabangan lang ang alam ng mokong na 'to. Ni minsan hindi ko maiisipang gamitin ang ganon kabaduy na move sa nililigawan ko e ang naisaisip ng dalaga.

"Hukay ka ba?" si Charlie naman ang seryosong nagtanong

"Bakit?" excited na tanong ng binata

"Kasi gustong-gusto na kitang tabunan ng lupa"

"Ahahaha! Ayos ang galing ng joke na yan!" pumapalakpak pa ito habang tumatawa. Pero ikinagulat ng binata ng bigla syang kwelyuhan ni Charlie.

"Hoy ikaw kapag hindi kapa tumigil sa kayabangan mo literal kitang ibabaon sa lupa" seryosong sabi nya.

"P-pinilit lang naman ako ni Ninang na idate ka. H-hindi talaga kita type"

"Mabuti kung ganon. Babae kasi ang gusto ko hindi bading"

Tila namutla si Enzo sa narinig at natataranta itong nagpaalam.

Ngumisi si Charlie.

Kung kani-kanino sya inirereto ng ina, subalit walang magkamaling pumorma dahil sa takot ng mga lalaki sa kanya. Mas maton pa kasi sya sa mga siga sa lugar nila.

"Malabong mangyari yan ma. Babae man ako, pusong lalaki naman 'to" mariing sabi nya sabay turo sa puso.

"Ano ba Charlie ang tagal mo naman. Wag mong sabihing nagmemake-up ka pa dyan?!" sigaw ng isang binata. Nakasilip ito sa bintana nila.

"Sira ulo! Eto kasing si mama nangangarap nanaman" dinilaan nya ang ina

"Hoy! Charlotte bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos!"

"Pwede ba ma ang pangalan ko ay CHARLIE" naiinis nyang sabi sabay alis.

"Natakasan nanaman po kayo" nakangiting sabi ng binatang si Eman. Sya ang malapit na kaibigan ni Charlie at ang tanging lalaking kasundo at kasakasama ng dalaga. Gwapo ito sa kahulugan ng salitang yon. Medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, kissable lips, matangkad na mamuscle. Maraming nagkakandarapang babae rito pero wala naman itong sineseryoso sa mga yon.

"Hay naku" napabuntong hininga si Aling Mercedes, nanay ni Charlie

"- teka san mo nanaman dadalhin ang dalaga ko? " tanong nito kay Eman.

"May aasikasuhin lang po kaming importante tita" nakangiting paalam nya. Paalis na sana sya ng muling magsalita ang ginang.

"Bakit ba sinasakyan mo pa ang kalokohan ng batang yon. Kung type mo ang anak ko e di ligawan mo"

Napangisi ang binata. Pano nya liligawan ang babaeng mas maton pa sa kanya at dinaig pa sya sa pagkababaero? Isipin pa lang nyang hawakan ang flat na dibdib nito kinikilabutan na sya.

"Hindi po kami talo" nakangiwing sagot nya sabay alis.

Napailing-iling nalang si Aling Mercedes sa tinuran ng binata..

"Pano mo nagawa sakin 'to babe? Minahal kita!" galit na sabi ng girlfriend na ngayon ay ex ni Charlie.

"Sorry Mylene"

"Sorry? Ganon lang kadali sayong itapon yung 1 month relationship natin?!"

"Bata kapa makakahanap ka rin ng para sayo"

"Hanapin mong mukha mo!" isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Charlie.

Napangiwi si Eman. Sa sobrang lakas ng sampal feeling nya pati sya tinamaan.

"I HATE YOU!"naiiyak na sabi nito.

Bago umalis ay tumingin ito ng masama kay Eman.

Tumingin sa ibang direksyon ang binata sabay sipol na parang walang nangyari.

"Isa ka pa! Magsama kayo ng kaibigan mo! Mga manloloko!!" pinalo nito ng bag si Eman sa dibdib sabay nagwalk out.

"Teka ba't pati ako nadamay"

Nagkibit-balikat lang si Charlie.

HE's my Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon