CHAPTER 1.12

749 38 0
                                    

"Mag-usap tayo!" galit na hinila ni Charlie si Ethan malayo sa paningin ng mga nagkakagulong babae sa labas.

"Sana kung magpapasikat ka lang sa mga babae dito wag mong gawing kasangkapan ang talyer. Mamaya malasin pa yung negosyo ko eh" nakacross arm na wika ng dalaga.

"It's not what you think. I'm just trying to help. And besides, ba't pa ako magpapasikat kung tingin ko palang nagkakagulo na sila"

"Hindi ka nga pasikat, mayabang lang"

"'Tsaka tong mukhang to malas? Baka nga ako pa yung luckycharm mo dito" pagyayabang nito.

"Talaga? Parang gusto ko na nga sanang isabit ka sa pinto para swertehin ako ee"          

"Palibhasa kasi insecure ka sakin"

"Bakit ako maiinsecure sayo?"

"Kasi pinagkakaguluhan ako ng mga babae" unti-unti itong lumapit sa kanya.

"Kasi ako, TUNAY na lalaki. Eh ikaw?" isang dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha nila.

"Kung ikaw rin lang ang depinisyon ng pagiging tunay na lalake, di bale nalang" maangas na sabi ni Charlie sabay tulak kay Ethan.

"Ang mabuti pa umuwi kana. Hindi ko kaylangan ng tulong dito" akmang tatalikod na ang dalaga.

"Tomboy ka ba talaga?" biglang tanong ni Ethan.

"LALAKI ako" mariing pagtatama ng dalaga

"Alam kong gusto mong tumayong padre de pamilya sa ina at kapatid mo pero di mo parin maitatanggi ang katotohanang BABAE ka. You still have flaws and weaknesses."

"Wala kang alam tungkol sakin o sa pamilya ko. Kung ano man ako ngayon ginusto ko yon at dun ako masaya. Kaya kung wala ka ng sasabihin makakaalis kana" pagkasabi'y tinalikuran na nito ang binata.

"Meron pa"

Mabilis ang mga sumunod na nangyari.

Biglang kinabig ni Ethan si Charlie palapit sa kanya at walang takot na tinawid ang distansya sa pagitan ng kanilang mga labi. Kapwa sila naistatwa sa pagkabigla. Hindi nila inaasahan ang sensasyong pumailalim sa kanila ng mga oras na yon. Dahan-dahang pumikit si Ethan. Napakumo naman ng kamao si Charlie. Unti-unting lumuwag ang kanina'y mahigpit na pagkakahawak ng binata sa braso ng dalaga. Sandaling tumigil ang oras. Sa isang iglap animo'y sila nalang dalawa ang tao sa talyer. Wala ang mga maiingay na babaeng nakikipagtalo kay Mhel sa labas, wala ang tahol ng tahol na aso sa kapitbahay na si Whitey kahit black naman, pati si Aling Mercedes at Buboy wala rin.

Perfect na sana lahat subalit napatigil si Ethan ng maramdamang hindi tumutugon si Charlie. Sandali syang dumilat para makita ang reaksyon nito.

"Krrr.." nagpipigil sa tawang si Ethan.

Tila nanlalaki ang mata sa gulat na nakadilat parin kasi si Charlie. Hindi ito kumukurap.





"Wahahahahaha!" tuluyan ng humalakhak ang binata with matching pukpok sa hood ng kotse sa tabi nya matapos humiwalay kay Charlie.

"Pambihira san ka naman nakakita ng naghahalikan na nakadilat." ani Ethan sa pagitan ng pagtawa.

"Wag mong sabihing first time mo. wahahaha!"

"First kiss ko yon" tila wala parin sa sariling bulong ng dalaga

"Huh?" napatigil sa pagtawa si Ethan.

Biglang nagsalubong nanaman ang mga kilay ni Charlie.

HE's my Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon